Bilang isang bansa na napapalibutan ng tubig, ang Australia ay matatagpuan sa pagitan ng Indian Ocean sa kanluran, at South Pacific Ocean sa silangan.
Mayroong higit sa 8,200 na isla sa baybayin ng Australia, ang pinakamalaki ay ang estado ng Tasmania sa bahaging timog.
Karamihan sa populasyon ng Australia ay nakatira sa silangan at timog-silangang baybayin ng kontinente.
Sa paglipas ng panahon, nadiskubre ng mga Australyano ang tunay na saya ng tabing-dagat, kung saan unti-unting dumami ang naninirahan sa mga lugar na malapit sa mga baybayin ng Australia. Mas napuno at naging mas masikip ang mga lugar na ito pagsapit ng ika-20 siglo.
Tandaan lamang na may masamang epekto rin ang matagal na pagkakabilad sa ilalim ng araw. Mahalaga ang pagkakaroon ng proteksyon mula sa ultraviolet rays para maiwasan ang kanser sa balat.
Pakinggan sa ang iba pang dahilan ng pagiging malapit ng mga Australyano sa karagatan.
LISTEN TO

Australia Explained: Bakit malapit sa puso ng mga Aussie ang karagatan?
SBS Filipino
15:29
Pagdating sa mga hayop na makikita sa karagatan ng Australia, ang pating ang pangatlo sa pinaka-mapanganib, bagaman napakaliit lamang ng posibilidad ng pagkamatay mula sa pag-atake ng pating kumpara sa ibang mga hayop. Sa kabila nito, maraming Australyano, base sa ilang survey, ang nagsabi na labis nilang kinatatakutan ang pagkamatay sanhi ng pang-aatake ng pating.
Ayon sa Australian Shark Attack File ng Taronga Conservation Society Australia, ang bilang ng namamatay mula sa pag-atake ng pating ay 0.9 - mas mababa sa isang tao bawat taon.Sa katunayan, ang pagkamatay mula sa shark attack ay napakabihirang mangyari, at ginagawa ng mga pamahalaang estado ng Australia ang lahat ng posible upang mabawasan ang panganib na ito.

Great white pointer shark. Source: AAP/Mary Evans/Ardea Douglas/David Seifert
Pakinggan ang lahat ng episode ng Australia Explained sa pamamagitan ng , Google Podcasts, o .