Bagong Skills in Demand Visa, pinalit sa TSS 482 Visa ng Australia. Alamin ang detalye at eligibility

A new temporary visa is in effect to attract skilled workers.

A new temporary visa is in effect to attract skilled workers. Credit: Envato - Nansanh / YuriArcursPeopleimages / DC_Studio

Inilunsad ang isang bagong Skills in Demand visa sa Australia na layong makakuha at mapanatili ang mga manggagawa na kailangan para matugunan ang kakulangan sa bansa.


Key Points
  • Epektibo nitong ika-7 ng Disyembre ang bagong Skills in Demand Visa na pinalitan ang Temporary Skills Shortage (TSS) (subclass 482) visa, ayon sa Department of Home Affairs.
  • Sa ilalim ng Skills in demand visa, papayagan ang employer na mag-sponsor ng eligible skilled worker sa isang bakanteng posisyon na hindi mapunan ng nararapat na skilled Australian worker.
  • May tatlong targeted streams ang nasabing visa na Core Skills stream, Specialist Skills stream at ang Labour Agreement stream.

Share