Key Points
- Ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration o PAGASA sa Pilipinas ay tumutukoy sa malalakas na bagyo bilang "bagyo," samantalang ang Bureau of Meteorology (BOM) sa Australia ay gumagamit ng "tropical cyclone" na may iba’t ibang antas ng lakas.
- Nagpapalabas ang PAGASA ng "Yellow, Orange, at Red Rainfall Warnings" bilang babala sa pagbaha, habang ang BOM sa Australia ay may "Flood Watch, Minor, Moderate, at Major Flood Warnings" upang ipaalam ang panganib ng pagbaha sa ilog at biglaang pagbaha.
- Sa Pilipinas, ang panahon ng bagyo ay kadalasang mula Hunyo hanggang Nobyembre, kung saan ang PAGASA ay nagbabantay sa mga unos sa Karagatang Pasipiko. Sa Australia, ang panahon ng tropical cyclone ay mula Nobyembre hanggang Abril, na sinusubaybayan ng BOM sa Karagatang Indian at Pasipiko.
PAKINGGAN ANG PODCAST:

Bagyo o Cyclone? Alamin ang mga pagkakaiba ng weather terminologies ng Pilipinas at Australia
SBS Filipino
06/03/202510:41
📢 Saan Mapapakinggan at Masusundan ang SBS Filipino
🔊 On Air – Pakinggan ang SBS Filipino sa at TV Channel 302 mula 10 AM hanggang 11 AM AEST araw-araw.
📲 Catch up episodes and stories – Bisitahin ang o i-stream sa , , , at