Paano maghanda kung may paparating na matinding bagyo o baha sa Australia

VIC FLOODS

Tinulungan ng SES personnel ang isang pamilya na lumikas sa kanilang bahay sa Shepparton, Victorian (2022). Source: AAP / DIEGO FEDELE/AAPIMAGE

Sa nakalipas na dekada, naranasan ng Australia ang ilan sa pinakamatinding pagbaha na naitala sa kasaysayan. Ang sapat na kaalaman kung paano maghanda para sa masamang panahon ay makakapagligtas ng iyong ari-arian. Samantala, ang pagpapasya kung lisanin o hindi at kung paano, ay maaring magliligtas ng iyong buhay.


Key Points
  • Ang paghahanda para sa isang matinding bagyo o baha ay maaaring tumagal ng ilang araw.
  • Ang unang hakbang ay alamin ang antas ng panganib, para makapaghanda ng emergency plan.
  • Tiyaking alam ng lahat sa iyong sambahayan ang emergency plan kung sakaling sila ay mag-isa sa bahay.
  • Subaybayan ang kondisyon ng panahon at ihanda ang iyong ari-arian bago ang isang bagyo.
  • Palaging maghanda ng emergency supply kung sakaling kailanganin na manatili sa loob ng bahay o lumikas.
Sa pagitan ng 2020-2022, malaking bahagi ng Australia ang nalubog sa tubig baha, tatlo hanggang apat na beses dahil sa malakas na pag-ulan. Ang ilang komunidad na binabaha ay nakaranas ng malaking pinsala sa imprastraktura, tahanan at maging ang pagkawala ng buhay.

Ayon sa mga eksperto ng Emergency services dapat ang mga Australians ay laging handa para sa posibilidad ng malalang panahon.

Ang unang hakbang ng paghahanda ay dapat alam ng isang indibidwal ang antas ng kanilang panganib, para sa pagbalangkas ng isang emergency strategy kung saan detalyado kung ano ang kanilang gagawin kapag dumating ang sakuna.

“Bago tumingin ang mga tao sa pagbalangkas ng plano, kailangan nilang malaman kung bakit nila binabalangkas ang planong iyon... Alam ba nila kung saan sila nakatira, nagtatrabaho o bumibisita, ay maaaring maapektuhan ng mga bagyo o baha? Ang mga bagyo ay maaaring tumama kahit saan, kaya ang pagiging handa palagi laban sa bagyo ay isang magandang bagay,” sabi ni Dorothy Tran, NSW State Emergency Service (SES) Community Capability Officer.

Dapat malaman ng mga taong nakatira malapit sa mga ilog, sapa, at maging sa mga daanan ng bagyo, kung saan maaaring dumaloy ang daming tubig kung sakaling magkaroon ng bagyo o matinding pag-ulan. Dapat nilang isaalang-alang kung paano maaaring makaapekto ang potensyal na pagbaha sa kanilang lugar ng trabaho o tirahan, daanan at sa araw-araw na pagbibiyahe.

Bagama't iba-iba ang emergency plan dahil iniangkop ito sa partikular na pangyayari, ito ay mahalagang pagkakataon para magpasya kung manatili og lilikas. At sa ganitong sitwasyon nangangailangan ito ng paghahanda upang mabawasan ang pinsala sa ari-arian o pagkamatay.

I-monitor ang kondisyon ng panahon at ihanda ang emergency supplies

Ang mga residenteng nakatira malapit sa daanan ng tubig ay dapat palaging updated sa kondisyon ng panahon kung sakaling bumaha.

Maaaring masubaybayan ng komunidad ang panahon sa pamamagitan ng , sa App at social media channels.

Dahil dapat silang maging handa na ipatupad ang kanilang mga emergency plans bago tumaas ang tubig. Kung mayroon silang mga anak, at alagang hayop, dapat nilang malaman kung paano at saan nila ito dadalhin na ligtas.

Kailangang isaalang-alang din ng mga nakatira sa lugar kung ano ang supply na kakailanganin, ihanda ang isang emergency pack, at ang desisyon kung manatili sila o lumikas.
LISTEN TO
How to join the SES in Australia image

How to join the SES in Australia

SBS English

08/04/202208:40
Kabilang sa emergency supply ang mga kinakailangang gamot, tubig, damit, pagkaing nasa lata o ready to eat na pagkain, mga baterya, flashlight, kandila, gamit sa ulan, kumot, at mga gamit sa banyo.

Huwag ding kalimutan ang first aid kit, at higit sa lahat ang mga importanteng dokumento tulad ng pasaporte o mga ID’s, dokumento sa banko o insurance, kasama din titulo ng lupa o kaya family photo.

“Kailangan mong isaalang-alang ang iyong mga pangunahing pangangailangan … Kung mayroon kang mga alagang hayop o anak, siguraduhing mayroon kang mga bagay para sa kanila. Ang mga alagang hayop kailangan ng pangtali, carrier, mga pagkain o treat," mungkahi ni Tran.

"Magdala ng extrang damit pambata, kasama dito ang lampin kung sanggol pati ang prams. At huwag kalimutang magdala ng kanilang mga laruan para maaliw sila ramdam din nila na ligtas at komportable."
News
Source: AAP
Iminungkahi pa nito dapat nakalista at madaling makita ang mga emergency contact numbers at alam din ng ibang kasama mo sa bahay ang mga emergency plan bago pa man dumating ang sakuna.

"Kung aalis ka, ipaalam ito sa pamilya at mga kaibigan kung saan ka pupunta. Maaari ka bang pumunta sa ibang lugar ng pamilya at kaibigan sa labas ng apektadong lugar? Kailangan mo bang pumunta sa isang evacuation center?" sabi ni Tran.

Kailangang tiyakin ng mga pamilya na alam ng lahat sa sambahayan kung ano ang gagawin sakaling magkaroon ng emergency, lalo na ang mga miyembrong hindi nagsasalita ng Ingles, lalo na kung ang mga tagapagsalin o marunong magsalita ng Ingles ay wala sa bahay sa oras ng kalamidad.

Mahalaga ding i-check ang insurance policy kung ito ba ay tama at sapat. Para masegurong sasagutin nito ang anumang epekto ng kalamidad sa inyong lugar. Kabilang dito ang baha, nasirang bahay matapos tangayin ng rumaragasang tubig-baha, at nadaganan ng natumbang kahoy ang iyong kotse.
A storm cell rolls in over Maroubra beach.
A storm cell rolls in over Maroubra beach. Source: Instagram

Paghahanda bago ang bagyo

Bago ang matinding bagyo at baha, karamihan sa mga komunidad sa Australia ay nakakatanggap ng babala mula sa kanilang lokal estado o teritoryo na mga emergency services o kilalang SES.

Ang SES volunteers ay karaniwang ang kumakatok sa bawat pinto ng mga residente para bigyang babala kapag may paparating na bagyo o baha. At nagbibigay din sila ng impormasyon tungkol sa mga pamamaraan at opsyon sa paglikas.

Kung ang bagyo ay napakalakas at nalalapit ng tumama sa iyong lugar, ihanda ang iyong ari-arian sa pamamagitan ng paglilinis ng mga dahon mula sa mga kanal upang maiwasan ang pagkabara.
WA Storm
Property damage at Bay Region, WA Credit: BOM, WA
Kailangan ding ayusin o itali ang anumang bagay na maaaring ilipad ng hangin. Dapat kumpunihin ang mga butas ng bubong, kabilang na ang sira o natanggal na tiles.

Tandaan din huwag i-park ang mga sasakyan sa ilalim ng kahoy, malapit sa mga kanal o tabi ng anumang bagay na magdudulot ng pinsala.

Maaaring tumulong ang mga volunteers na protektahan ang mga ari-arian o imprastraktura sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga mapanganib na bagay o paglalagay ng sandbags para itayo ang mga pansamantalang pader upang hindi makapasok ang tubig.

Ang SES ay maaari ding tumulong sa paglikas, at mga gawaing paglilinis at pagkukumpuni pagkatapos humupa ang tubig.
More from The Settlement Guide
SG FIRE AND EMERGENCY 2 image

What are Australia’s Emergency Warnings and Fire Danger Ratings and how should you respond?

SBS English

27/09/202211:31

Ang pananatili ay nangangahulugan ng mas mataas na antas ng panganib

Bagama't ang pangunahing rekomendasyon ng SES ay lumikas ang mga tao bago ang matinding bagyo o baha, nagpasya ang ilang residente na binaha na manatili. Ang pananatili sa bahay sa panahon ng isang natural na sakuna ay nangangahulugan ng higit pang mga paghahanda ang kinakailangan.

Sa karanasan ni Nicole Wastle, na nakatira sa McDonald River region, isang maliit na lungsod sa labas ng Sydney, ang kanyang dalawang palapag na bahay ay apat na beses ng nalubog sa baha sa loob ng dalawang taon.

Diskarte nito sinusubaybayan nila ang kondisyon ng panahon sa mapapagitan ng Bureau of Meteorology App at may talaan din sila sa pagtaas ng tubig sa ilog. Sa paraang ito ay nakasisiguro sila na ligtas ang kanilang buhay pati ari-arian.
Nicole flood.png
Ang bahay ni Nicole Wastle sa Wisemans Ferry na halos lubog na sa tubig.
Sabi nito ginagawa ng pamilya ang ganito dahil umaabot sa tatlo hanggang apat na araw ang gagawing paghahanda laban sa pagbaha.

“Bumibili kami ng pangmalakihang grocery at nag-iimbak ng pagkaing nasa lata o pangmatagalang pagkain, para sakaling hindi kami magutom kung hindi kami maka-alis sa lugar. Ang aking asawa ay pumunta at nag-top up ng lahat ng mga fuel jerry can, kaya mayroon kaming mga tambak ng gasolina para sa generator kapag nawalan kami ng kuryente. Pinupuno ko ng tubig ang mga bathtub, para lang may tubig tayong maiinom o panlaba”.

Pagkatapos ay inililipat nila ang mahahalagang bagay, tulad ng mga sasakyan at muwebles, sa mas mataas na lugar.

Inihanda din ni Wastle ang mga lifejacket at isang maliit na bangka, kung sakaling kailanganin ng pamilya na lumikas.

Mino-monitor din nito ang tubig baha sa mismong loob ng kanilang bahay.

“Gamit ang mga permanent marker, ginuhitan namin ang aming dingding kung saan naroon ang high tide mark, at isinusulat namin ang petsa at oras. Nagbibigay iyon sa amin ng gabay kung tumaas o bumagsak ang tubig.”
Sydney house prices property market NSW Floods
Tim McKibbin, CEO of REINSW, said floods will have an immediate effect on the available housing stock. Source: AAP / AAP Image/Lukas Coch

Dagdag ni Wastle, dahil sa panahon ng bagyo at pagbaha, importante ang komunikasyon pero ang linya ng kanilang telepono, mobile phones at internet ay putol, kaya ang ibang residente ay gumagamit ng walkie-talkies.

 Ngunit opsyon nila para walang sablay gumagamit sila ng satellite internet provider, at generator para matiyak na hindi mapuputol ang kanilang koneksyon sa telepone.

Para sa karagdagang impormasyon , bisitahin ang inyong local state at territory emergency services websites:
Sa panahon ng emerhensya, i-dial ang triple zero (000).

Share