Compulsory ang pagboto sa Australia pero dapat ay rehistrado ka. Narito ang simpleng gabay at proseso

Australia Explained: How to Enrol to Vote

Voting is compulsory in Australia, but there are some requirements that you will first need to meet. Credit: David Gray/Bloomberg via Getty Images

Sa nalalapit na federal election, may ilang hakbang na kailangang gawin bago maiboto ang iyong napupusuan sa unang pagkakataon. Ang pagboto ay paraan upang maipahayag ang iyong boses sa paghubog ng Australia.


Key Points
  • Sa Australia, kinakailangan ang pagboto, pero kailangan mo munang magparehistro para makaboto.
  • Dapat ay Australian citizen ka at hindi bababa sa 18 taong gulang para makaboto.
  • Maaari kang magparehistro online o gumamit ng paper form.
  • Ang website ng AEC ay may mga impormasyon sa iba't ibang wika at mga easy-read guides sa simpleng Ingles.
PAKINGGAN ANG PODCAST:
filipino_australia_explained_enroltovote_06032025 image

Compulsory ang pagboto sa Australia pero dapat ay rehistrado ka. Narito ang simpleng gabay at proseso

SBS Filipino

07/03/202506:38
Ang pederal na eleksyon ay isang pagkakataon para ipahayag mo ang iyong opinyon o boses sa pamamagitan ng pagboto upang pumili kung sino ang mamuno sa gobyerno ng Australia.

Obligado ang pagboto sa Australia, pero may ilang kailangang ayusin bago ka makaboto. Isa na rito ang pagpaparehistro sa Australian Electoral Commission (AEC).

Sino ang eligible na magparehistro?

Bagama’t obligado ang pagboto para sa karamihan ng mga Australians, kailangan mo pa ring tiyakin kung ikaw ay kwalipikado.

“Anyone who is an Australian citizen and is 18 years or older is eligible to enrol and vote,” paliwanag ni Evan Ekin-Smyth, AEC Spokesperson.

“But you must be enrolled if you want to vote.”

Kailan dapat magparehistro?

Hinihikayat ang lahat ng bagong Australian citizen na magparehistro agad matapos maging citizen para makalahok sa mga halalan at makibahagi sa paghubog ng Australia.

Karaniwan, may isang linggo ka lang para magparehistro matapos ipahayag ang petsa ng halalan. Kung nakarehistro ka na, may isang linggo ka rin para i-update ang iyong impormasyon, tulad ng bagong address o pagbabago sa pangalan.

“But you don’t have to wait for the election announcement—You can do it now,”dagdag ni Ekin-Smyth.

Sa totoo lang, hindi mo na kailangang hintayin pang mag-18 para makapagparehistro, ayon kay Kath Gleeson, Deputy Electoral Commissioner ng AEC

“You can get on the roll from the age of 16 so that you’re ready to vote in the election once you turn 18.”
Australia Explained: How to Enrol to Vote
MELBOURNE, AUSTRALIA - MAY 18: A view from entrance of a polling station during general elections to elect its parliament and prime minister in Melbourne, Australia on May 18, 2019. Source: Anadolu / Recep Sakar/Anadolu Agency/Getty Images

Paano magparehistro?

Madali lang magparehistro sa pamamagitan ng online form, pwede rin ang gamit ang iyong smartphone, pumunta ka lang sa .

Kung mas gusto mo o wala kang access sa internet, mayroong mga paper enrolment form na makukuha sa anumang opisina ng AEC. Maaari ka ring tumawag sa 13 23 26 upang maipadala ang form sa iyo sa pamamagitan ng koreo.

Kailangan mong patunayan ang iyong pagkakakilanlan, kaya siguraduhing may hawak kang valid na ID. Hindi mo kailangang maglakip o mag-attach ng kopya ng dokumento, pero kakailanganin mong gamitin ito bilang reference.

Ayon kay Gleeson, may iba't ibang paraan para patunayan ang iyong pagkakakilanlan, at maraming impormasyon sa iba’t ibang wika ang makikita sa .

“Most people use their driver’s licence, but you can also use a passport or a Medicare card."
Australia Explained: How to Enrol to Vote
A ballot box is seen inside the voting centre at Collingwood in Melbourne, Saturday, October 14, 2023 Credit: CON CHRONIS/AAPIMAGE
“If you don’t have any of those things available you can use a witness, so somebody who is already on the Commonwealth electoral roll who can attest to your identity.”

Ang mga bagong Australia citizen ay kailangan ding magdala ng kanilang citizenship certificate upang makapagparehistro.

Kung wala kang ID o kung nawala ito, mahalaga na mag-aplay ka nang maaga. Ang oras ng paghihintay para sa pagkuha ng ID ay maaaring magkaiba-iba depende sa lugar, at sa ilang pagkakataon, maaaring umabot ng hanggang apat na linggo.

Kailangan ko bang magparehistro tuwing eleksyon?

Kapag nakarehistro ka na sa electoral roll o listahan ng mga botante, maaari ka nang bumoto sa mga susunod na federal, state, o lokal na halalan.

Kaya't mahalaga na panatilihing updated ang iyong mga impormasyon.
Australia Explained: How to Enrol to Vote
Social media, connection and woman typing on a phone for communication, app and chat. Web, search and corporate employee reading a conversation on a mobile, networking and texting on a mobile app Credit: Delmaine Donson/Getty Images

Paano kung lumupat ako ng tirahan?

May isang linggo ka pagkatapos ianunsyo ang halalan para siguraduhin na up-to-date ang iyong mga impormasyon.

“We’ll send reminders if we receive data that means you’ve moved house, for instance,” sabi ni Ekin-Smyth.

“But it’s important whenever you do move house or change your name, that you update your details.”

Simple lang ang gawin, pumunta sa at ilagay ang updated na mga impormasyon.

Kung hindi ka siguradong naka-rehistro sa electoral roll o listahan ng mga botante, tumungo sa o tumawag sa telepono 13 23 26 para sa assistance.

Sino ang makakatulong para makapagparehistro?

Ang website ng AEC ay may mga guidelines para sa eligibility at enrolment, na isinalin sa iba't ibang wika. Nagbibigay din sila ng Telephone Interpreter Service at easy read guides na gumagamit ng simpleng Ingles at mga ilustrasyon.

Ang mga Migrant Resource Centres at iba pang local services para sa mga multicultural communities ay nandiyan para tumulong sa mga first-time voters at mag-assist sa iyong pagpaparehistro.

Dapat masigasig ang bawat bagong Australian na magparehistro agad kapag sila ay kwalipikado nang bumoto. Tandaan, ang iyong boto ay bibilangin anuman ang iyong estado o pinagmulan.

Paano kung hindi makapagparehistro para makaboto?

Sa Australia obligado ang pagboto at kung hindi ka boboto, may kaukulang multa o fine. Pero higit pa rito, ayon kay Ekin-Smyth, sayang ang pagkakataong ipahayag ang iyong opinion at karapatan kung hindi ka magpaparehistro.

o bumisita sa pinakamalapit na AEC office para makapagparehistro at makaboto sa 2025 federal election.
Subscribe to or follow the Australia Explained podcast for more valuable information and tips about settling into your new life in Australia.

Do you have any questions or topic ideas? Send us an email to [email protected]


📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily. 

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and  

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and

Share