Key Points
- Ang robbery ay ang pagkuha ng ari-arian ng ibang tao gamit ang dahas o banta ng dahas.
- Samantalang ang theft naman ay pagkuha ng pag-aari ng iba nang walang pahintulot at hindi gumagamit ng dahas.
- Kung ipagtatanggol mo ang sarili mo, dapat ang lakas o pwersang gagamitin mo ay akma lang sa banta o panganib na kinakaharap mo.
Kung hindi mo pa naranasang manakawan sa bahay o negosyo, masuwerte ka.
Ang mahalaga: huwag papasukin ang mga magnanakaw.
Yan ang paulit-ulit na paalala mula sa mga locksmith, security experts, at maging sa mga matagal nang naninirahan dito sa Australia.
Ang pangunahing elemento ng robbery ay ang direktang pagharap o pagbabanta sa biktima habang nangyayari ang krimen.
Samantalang ang theft, iba-iba ang depinisyon depende sa estado, pero karaniwan itong tumutukoy sa pagkuha ng ari-arian ng iba nang walang kanilang pahintulot at hindi gumagamit ng dahas.
Ang pinakamalaking pagkakaiba ng theft sa robbery ay hindi gumagamit ng direktang banta o karahasan sa theft.

Theft involves taking someone else's property without their consent and without using force. Source: iStockphoto / Михаил Руденко/Getty Images/iStockphoto

The force you use to defend yourself from thieves must be proportionate to the threat. Credit: Flying Colours Ltd/Getty Images
Self-defence
Mahalaga ang protektahan ang sarili at ang iyong ari-arian mula sa robbery, at natural lang na mag-react ng mabilis, pero hanggang saan ka nga ba pwedeng magdepensa sa isang home invasion sa Australia?
Ipinaliwanag ni criminal lawyer Alex Cao na magkaiba ang mga batas ukol sa self-defence sa bawat estado at teritoryo, pero may mga pangunahing prinsipyo na pare-pareho sa lahat ng lugar.
"You must believe the actions are necessary to protect yourself or others. The force you use must be proportionate to the threat. Deadly force is only just viable if your life is in immediate danger. You cannot continue attacking once threat is neutralised."
Pinapayuhan ni Cao na kung sakaling may pumasok sa iyong bahay o negosyo, mas mabuti pang lumayo ka na agad at tawagan ang pulis sa triple zero (000).
Suporta sa mga biktima ng kremin

Neighbourhood Watch Victoria is a community-led crime prevention organisation, and similar groups exist nationwide.
Panatilihing ligtas
Makipag-ugnayan sa tamang organisasyon sa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga karapatan ng biktima sa inyong estado o teritoryo.
ACT | Victim Support, Human Rights Commission (02) 6205 2222 |
NSW | Victim Services victimsservices.justice.nsw.gov.au Victim Access Line 1800 633 063 Aboriginal Contact Line 1800 019 123 |
NT | Victims of Crime NT |
Qld | Victim Assist Queensland 1300 546 587 |
SA | Victims of Crime SA (08) 7322 7000 |
Tas | Victims Support Services 1300 300 238 |
Vic | Victims of Crime 1800 819 817 |
WA | Victim Support Services 1800 818 988 or (08) 9425 28 50 |
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mga mahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May tanong ka ba o may gusto kang pag-usapan sa susunod na episode? I-email kami sa
📢 Where to Catch SBS Filipino
and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.