Paano bumoto sa pederal na halalan

Australians to vote

A man inserting a ballot to a ballot box. Australian flag in front of it. Source: iStockphoto / Sadeugra/Getty Images/iStockphoto

Sa araw ng halalan, inaasahan ng Australian Electoral Commission na may isang milyong botante ang dadaan sa mga voting centre kada oras. Dahil obligadong bumoto ang lahat ng nakalista sa electoral roll, mahalagang alam ng bawat Australyano kung paano ang tamang proseso ng pagboto bago ang araw ng halalan.


Key Points
  • Nagbibigay ang AEC ng mga tool para matulungan kang mahanap ang iyong electorate at voting centre.
  • May iba’t ibang paraan ng pagboto bago at sa mismong araw ng halalan.
  • Available din ang impormasyon tungkol sa pagboto sa iba’t ibang wika.
  • At kung kailangan mo ng tulong, may serbisyo rin ang AEC para sa pagsasalin sa telepono para matulungan kang makaboto nang tama.
LISTEN TO THE PODCAST
filipino_australia_explained_howtovote_03042025.mp3 image

Paano bumoto sa pederal na halalan

SBS Filipino

09:33
Sa Australia, may isang indepedent na ahensya na nakatutok sa maayos na halalan — ito ang AEC o Australian Electoral Commission.

Sila ang nangangasiwa sa proseso para matiyak na bawat karapat-dapat na mamamayan ay makakaboto at makakabahagi sa pagpili ng lider ng ating bansa.

May 150 federal electoral divisions dito sa Australia.

Nagbibigay ang AEC ng online tool para matulungan kang malaman kung saang electorate ka napabilang. Para malaman mo ito, bisitahin lang ang . 

Pwede ka ring tumawag sa 13 23 26 o gumamit ng   kung kailangan mo ng tulong sa ibang wika.

Ilang paraan ng pagboto 

Bukas na ang mga early voting centres ilang linggo bago ang mismong araw ng halalan, kaya puwede ka nang bumoto nang mas maaga.

Kung hindi ka makakapunta sa voting centre, puwede kang humiling ng online o sa AEC office.

Kung nasa ibang estado ka, walang problema! Puwede ka pa ring bumoto gamit ang postal vote o bumisita sa interstate voting centre.

At kung nasa ibang bansa ka naman, puwede ka pa ring bumoto. May na makikita sa AEC website, kasama na ang iba’t ibang opsyon na akma sa iyong sitwasyon. Sa ilang Australian High Commissions, may mga voting centre rin na available.
Australia Goes To The Polls
A dog stands as voters cast their ballots at a polling station during a federal election in Sydney, Australia, on Saturday, May 18, 2019. Credit: Bloomberg/Bloomberg via Getty Images
VOICE REFERENDUM MELBOURNE
A ballot box is seen inside the voting centre at Collingwood in Melbourne, Saturday, October 14, 2023. Credit: CON CHRONIS/AAPIMAGE

Anong mangyayari kung hindi nakaboto? 

Obligado ang pagboto dito sa Australia. Pero kung may valid na dahilan kung bakit hindi ka makakaboto, AEC ang mag-a-assess kung tatanggapin ito base sa iyong sitwasyon. Halimbawa, naiintindihan ng AEC na may mga taong nasa ibang bansa na talagang hindi makakaboto.

Sabi ni Evan Ekin-Smyth ang spokeperson ng AEC, Kung naka-enrol ka at hindi ka bumoto, puwede kang padalhan ng non-voter notice.

“If you have a valid reason, that’s fine. You just let us know. Otherwise, you pay the $20 fine. If we don’t get a response, you could end up in court with a $170 fee plus court costs.” 

Alamin pa ang iba pang detalye tungkol sa pagboto sa o tumawag sa 13 23 26.

Ang episode na ito ay orihinal na ginawa noong 2022. Nirepaso at in-update para masigurong tama ang mga impormasyon.
Subscribe or follow the Australia Explained podcast for more valuable information and tips about settling into your new life in Australia.

Do you have any questions or topic ideas? Send us an email to [email protected].

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share