Bakit kukuha ng tutor ang mga magulang?
Kumukuha ng tutors ang mga magulang sa iba't ibang dahilan: gumaling sa isang partikular na subject, o mapalakas ang kanilang kumpyansa. May iba na namang naghahanap ng tutor para sa mas malawak at holistic na edukasyon.
Ayon kay Ayon kay Mohan Dhall, ang CEO ng dumarami na rin ang kumukuha ng tutor para makatulong sa pagpasok ng kanilang anak sa selective schools.
“People have then chosen private tutoring to try and guarantee a place in a university or entry into a profession. At a schooling level, that manifests as using tutoring to either get in a private school or a selective public school. And there’s a high proportion of tutoring among migrant families for entries into those schools as well."

Tutoring comes in various formats, from in-person to online, and can serve different purposes, including academic improvement and confidence-building. Credit: JohnnyGreig/Getty Images
Ano ang mga paraan ng tutoring
May mga tutor na one-on-one ang pagtuturo, habang ang iba naman ay nagtuturo in groups. Iba-iba rin ang serbisyo, mula sa simpleng pagtulong sa takdang-aralin o homework hanggang sa matinding paghahanda para sa mga pagsusulit.
Dahil , kahit sino ay pwedeng maging tutor. Kaya sabi nito hindi porket mataas ang grado ng isang estudyante ay magiging epektibong guro ang tutor.
“I would argue that the very people that migrant communities, as vulnerable people, are choosing can actually serve to make their child less confident and less able to learn because that person is not qualified to identify their needs."
Paano pumili ng tutor
Isang magandang simula ang paghingi ng rekomendasyon mula sa ibang mga magulang.
Sa ilang estado sa Australia, inirerekomenda ang pagpili ng tutor na miyembro ng ,, dahil sumusunod sila sa mahigpit na pamantayan at code of conduct.
- Ano ang iyong mga kwalipikasyon at karanasan?
- Mayroon ka bang Working with Children Check?
- May business number ka ba?
- Makakakuha ba ako ng resibo?
- Kung may kailangang i-refund, paano ito gagawin?
- Paano mo susukatin ang tagumpay ng tutoring? Ano ang magiging ebidensya na epektibo ito?
- Gaano katagal mo inirerekomenda ang tutoring?
- Ilan ang estudyante sa isang klase?
- Gaano ka-personalised ang pagtuturo?
- Kung hindi ito epektibo para sa aking anak, kailan at paano mo ito ipapaalam?Mother helping son during e-learning at home. Credit: MoMo Productions/Getty Images
Iwasan ang mga tutor na walang Working with Children Check, hindi sumasagot sa mga tanong, o umiiwas sa responsibilidad.
Para sa online tutoring, inirerekomenda ni Dhall na suriin kung gaano kaepektibo ang pakikipag-ugnayan ng tutor: "Naka-on ba ang camera? Pinapanood ba nila ang ginagawa ng mga estudyante? May listahan ba sila ng mga estudyante at tinitingnan kung ilan na ang kanilang naibabahagi? Binabantayan ba nila ang chat at sinusuri ang mga mensahe? Paano nila tinatala ang mga nagawang gawain? Ano ang ibinibigay nilang real-time at online na feedback?"

Since tutoring is unregulated in Australia, parents should carefully vet tutors by checking their credentials, experience, and teaching methods. Credit: Westend61/Getty Images/Westend61
Free at low-cost tutoring
Ang presyo ng tutoring ay lubhang nag-iiba—mula $30 kada oras para sa mga tutor na hindi kwalipikado hanggang $200 para sa mga eksperto sa subject. Mayroon ding mga libreng opsyon.
Maraming organisasyon, tulad ng mga library, ang nag-aalok ng tulong sa homework, at may ilang programa na partikular na para sa mga bagong migranteng pamilya.
Sa Canberra, ang ) na pinapatakbo ng ay nag-aalok ng libreng one-on-one tutoring sessions para sa mga kabataang may migranteng pinagmulan.
Ayon kay MARSS CEO Sonia Di Mezza nakita niya ang mga positibong resulta sa mga estudyante.
“They feel more equipped to be able to pursue and continue their studies, their English can improve, they can get a better understanding of the education system.”
Ano ang papel ng mga magulang
Binibigyang-diin ni G. Dhall na ang tutoring ay dapat sumuporta sa pag-aaral at hindi pumapalit sa paaralan. Mahalaga rin ang papel ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang anak.
“The first question they should ask is, what can I do for my child myself? Can I read with them? Can I spend time with them? On this educational journey, how can I empower myself to be with my child?”
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mas maraming mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o ideya ka ba sa paksa? Mag-email sa [email protected]