Noong 2023, $171 milyon ang nawala sa mga Australyano dahil sa mga cryptocurrency investment scam.
Ang nakakaakit na aspeto ng cryptocurrency ay ang pagiging malaya nito mula sa gobyerno, mga sentral na bangko, at mga federal reserve.
Ayon kay Associate Professor Rand Low mula sa University of Queensland, maraming tao ang "gusto ang ideya ng paggamit ng isang sistema na malaya sa pakikialam ng gobyerno."
Dahil hindi pinamamahalaan ng anumang awtoridad ang cryptocurrency, ito ay nakasalalay lamang sa mga gumagamit nito.
Dahil dito, nagkakaroon ng malaking puwang sa legal na sistema, kung saan ang mga biktima ng crypto scams ay walang malinaw na proteksyon.
LISTEN TO

SBS Examines: Bakit nawawalan ng milyun-milyong dolyar ang mga Australyano sa mga cryptocurrency scam?
SBS Filipino
24/02/202506:45
Ayon kay Tom Abourizk, head of policy sa consumer advocacy group na Choice, "96 per cent of those losses are not recoverable and the consumer bears the loss for that"
Batay sa isang survey mula sa University of Queensland, ang pinaka-nanganganib ay ang mga taong Ingles ang ikalawang wika.
Ayon kay Asssociate Professor Levon Blue: "We found there was a lack of understanding about the implications of crypto."
If an investment sounds too good to be true, it probably is.
Tinalakay sa episode na ito ng SBS Examines ang maling impormasyon tungkol sa cryptocurrency at sinisiyasat kung bakit napakaraming Australyano ang nalulugi sa mga investment scam.
Related content:

SBS Examines sa wikang Filipino