LISTEN TO

SBS Examines: Financial abuse — isang uri ng domestic violence pero bakit hindi ito naiuulat?
SBS Filipino
08:50
Babala: Sensitibong nilalaman
Nakilala ni Yasmin* ang kanyang asawa sa isang arranged marriage. Pero pagdating niya sa Australia, nagbago ang ugali ng lalaki.
Kinontrol ng asawa niya ang perang ibinigay ng pamilya ni Yasmin para sa emergency, ginamit ang parenting payments para sa sarili, ginastos ang ipon niya, at pinigilan siyang magtrabaho.
Pitong taon siyang nagtiis, umaasang maaayos pa ang lahat. Sa tulong ng mga kaibigan, nagsumbong siya sa pulis. Ngayon, isa na siyang single mom na may trabaho.
Maraming uri ng domestic violence ang naranasan ni Yasmin, pero nagsimula ito sa financial abuse.
"It may start out as something very subtle, like suggesting that you get a joint account and pay your income into that joint account, or that they're used to managing money and are better at it," ayon kay Caroline Wall, ang pinuno ng Customer Vulnerability sa Commonwealth Bank.
"More concerning signs that may indicate financial abuse are things like being forced to take out either credit or other loans in your name that you're not getting a benefit from . . . partners refusing to let their partners work, [being] asked to provide receipts or justify all of your spending on a day to day basis, and having to ask for access to even small amounts of money for everyday necessities."
Si Dr. Farjana Mahbuba ang nangunguna sa pananaliksik tungkol sa financial abuse sa mga migranteng babaeng Bangladeshi sa Australia.
Ayon sa kanya, ang mga pangunahing hadlang kung bakit hindi agad nakakaalis sa domestic violence ang mga migranteng babae ay ang social at cultural expectations, visa requirements, maling impormasyon, at kakulangan ng kaalaman tungkol sa pulis at legal na sistema.
Pero para sa karamihan, ang pinakamalakas na dahilan para makaalis ay ang suporta ng isang kaibigan.
"I didn't find one single case where the women were able to leave an abusive relationship without the help of someone. No one could do that by themselves," aniya.
Kung ikaw o may kakilala kang nakararanas ng domestic violence, tumawag sa national domestic, family at sexual violence hotline 1800 RESPECT sa 1800 737 732.
*Pinalitan ang pangalan
LISTEN TO:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and