LISTEN TO

SBS Examines: Sino ang Right at Left? Alamin ang ideological gender gap sa Australia
SBS Filipino
08:52
Sa buong mundo, maraming kabataang lalaki ang lumilihis patungo sa right political spectrum.
Sa Estados Unidos, 56% ng mga lalaking edad 18 hanggang 29 ang bumoto kay Donald Trump, kumpara sa 40% ng mga babae.
Pero ayon sa mga eksperto, may ilang dahilan kung bakit hindi ganoon kalakas ang suporta sa far-right sa Australia kumpara sa ibang bansa.
Matapos pag-aralan ang far-right parties sa Australia, sinabi ni Jordan McSwinney, isang senior research fellow sa University of Canberra, na hindi ganoon kaayos ang kanilang organisasyon.
"[Candidates] aren't necessarily disatisfied with the party's positions, but with the way the party operates."
May malaking papel din ang compulsory voting.
Ayon kay Intifar Chowdhury, isang mananaliksik youth researcher at lecturer ng Government sa Flinders University, humihina ang impluwensiya ng right ideologies dahil sa presensya ng mga botanteng progresibo.
"As Australians we tend to be more centred and that's why it's not playing out like in the rest of the world."
Sa episode na ito inaalam natin ang ideological gender gap sa Australia para sa nalalapit na pederal na halalan.
RELATED CONTENT:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and