SBS Examines: Batas na nagpapahintulot sa mga kasinungalingan ng mga politiko sa halalan

Advance Australia sign depicting ACT independent Senate candidate David Pocock as a "Greens superman"

Advance Australia sign depicting ACT independent Senate candidate David Pocock as a "Greens superman" Source: Twitter / Twitter / David Pocock

Sa halalan na Mayo 3, opisyal nang nagsimula ang pangangampanya. Ngunit ang mga patalastas na pampulitika o political advertising ay ilang buwan nang umiikot. Maari mo bang pagkatiwalaan ang kanilang sinasabi?


LISTEN TO
SBS Examines - Political Advertising 0704 image

SBS Examines: Batas na nagpapahintulot sa mga kasinungalingan ng mga politiko sa halalan

SBS Filipino

08:44
May butas sa Electoral Act na nagpapahintulot sa mga maling patalastas o political advertising na kumalat kahit hindi pa panahon ng halalan.

Noong 2022, nagreklamo si Senator David Pocock sa Australian Electoral Commission (AEC) tungkol sa isang binagong larawan niya na lumabas matapos itakda ang araw ng halalan.

Ang imahe ay ipinapakita siya na may suot na shirt na may logo ng Green party at nakita sa ibang lugar malapit sa mga polling center.

Inaprubahan ito ng Advance Australia, pero pinayagan lang nilang alisin ang imahe matapos magdesisyon ang AEC na ito ay mapanlinlang.

Noong Marso 31, inisyu ang mga writs para sa 2025 Federal Election, na opisyal nang nagpasimula ng pangangampanya.

Kaya nang magdesisyon ang Advance Australia na ipamahagi ang isang binagong larawan noong Pebrero ng taon na ito — na may bagong mukha — hindi sila lumalabag sa anumang batas.

Sa eleksyon ng Wannon, isang binagong larawan ni independent candidate Alex Dyson ang ikinu-kwento sa mga flyers, kung saan siya ay pinapakita na binubuksan ang kanyang shirt upang ipakita ang T-shirt na may logo ng The Greens party.

Ayon kay Dyson, nagdulot ang imahe ng mga magkahalong reaksyon

“Some were obviously pretty shocked who were able to see the fine print that it was Advance Australia. Other people, who maybe have bad eyesight or didn’t read the fine print, were also shocked for a different reason."
It’s pretty wild.
Sabi ni Associate Professor ng Monash Law School Yee-Fui Ng na ang Advance Australia 'ay nasabihan na hindi ito pinapayagan at ngayon ay nakakita sila ng butas sa mga patakaran.

Sinabi ng tagapagsalita ng Advance Australia sa SBS na ipinayo ng AEC na ang materyal tulad ng flyer ni Dyson ay 'hindi lumalabag sa batas ng halalan.'

Ayon sa Section 329 ng Electoral Act, ipinagbabawal ang pagpapakita ng materyal na maaaring magbigay ng maling impormasyon sa mga botante, pero ito ay kapag inisyu na ang writs.

Sinabi ni Bill Browne, Director ng Democracy and Accountability Program ng Australia Institute, na nasa mga manonood ang pagpapasya kung ano ang mapanlinlang sa mga patalastas na pampulitika.

“A healthy amount of scepticism is always a good idea when assessing advertising, and that probably goes double for political advertising.”
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share