Key Points
- Ayon sa datos ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), pang-apat ang Australia sa mga paboritong destinasyon ng mga Pilipinong lumilipat sa ibang bansa.
- Marami sa mga Pilipino ang dumating sa Australia sa pamamagitan ng skilled migration at family sponsorship.
- Nagkaroon ng pagbabago ang mga patakaran sa migrasyon ng Australia para punan ang kakulangan sa mga manggagawa, pero nagdulot ito ng pag-aalala sa mga gustong mag-migrate.
Patuloy na nakikita ng mga Pilipino ang Australia bilang lupa ng mga oportunidad—isang bansa kung saan masasabing posible ang mas magandang kinabukasan para sa pamilya.
“Hindi man kami pinalad na makapag-university pero naging skilled worker kami. At bilang welder, madaming naging oportunidad para sa amin at aming pamilya kaya pinasasalamatan namin na pinapapasok ang mga Pilipino sa Australia para magtrabaho,” pagbabahagi ni Elizalde Estacio, isang skilled worker mula Bohol na kasalukuyang nasa ACT.
Ayon sa datos ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), pang-apat ang Australia sa mga paboritong destinasyon ng mga Pilipino na naghahanap ng bagong buhay sa ibang bansa. Marami sa kanila ang dumating sa pamamagitan ng skilled migration at family sponsorship.
Mga karanasan ng migrasyon
Isa sa mga Pilipinong nagtagumpay sa Australia ay si Gabby Ocampo, program coordinator ng Australian Filipino Community Services sa Melbourne. Nagdesisyon siyang lumipat noong 1987 nang magbukas ang bansa para sa mga skilled workers.
“I came here in 1987 when my brother offered to help me migrate and experience life in Australia. At the time, I was working in finance, and I saw it as a great opportunity to explore new possibilities and contribute to Australian society.”Ngayon, nakatuon siya sa pagtulong sa mga bagong migrante na maka-adjust sa bagong sistema at makaintindi ng mga patakaran.
Para naman kay Phoebe Comnes, na tatlong dekada nang naninirahan sa Sydney, hindi naging madali ang paglipat sa Australia noong siya’y 17 taong gulang.
“It was difficult because you’re trying to fit in. You don’t speak the same, you’re very insecure, and you’re in a very different country with a different way of living.”Bagama’t puno ng hamon ang unang mga taon, nakita niya ang pag-unlad at pagtanggap ng Australia sa mga dayuhan.
“It’s not about your race anymore; it’s about your merit. As a Filipino and as a woman working in construction, I can say we’ve come a long way.”
Tagumpay sa edukasyon at negosyo
Sa Canberra, napatunayan ni Cristina Zierholz na ang edukasyon ay susi sa tagumpay. Nagtayo siya ng negosyo kasama ang kanyang asawa matapos makapagtapos ng degree.
“I strived hard and studied at the same time to get a good job. Now I have a business degree and accounting, and my German husband and I run a brewery for 20 years.”Sa Northern Territory naman, ipinagmamalaki ni Lee Plowman ng Australian Red Cross Connected Women ang mahalagang papel ng mga Pilipino sa sektor ng healthcare.
Bagong hamon sa migration policies
Sa kabila ng mga kwento ng tagumpay, patuloy na nagbabago ang mga polisiya sa migrasyon ng Australia. Kamakailan, inanunsyo ng federal government ang bagong migration strategies para sa sunod na taon. Layunin nitong tugunan ang labor shortages at ma-manage ang populasyon ng bansa, ngunit nagdulot ito ng pangamba sa mga nais pang lumipat.
Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang patuloy na suporta mula sa mga komunidad para matulungan ang mga bagong migrante na makapag-adjust sa kanilang bagong buhay.
Sa kasalukuyan, tinatayang may mahigit 400,000 Pilipino na ang naninirahan sa Australia. Sa kabila ng mga hamon, mula sa homesickness, cultural adjustment, at pagbabagong polisiya, ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-unlad ng bansang tinatawag nilang “pangalawang tahanan.”
Related Content
Trabaho, Visa, atbp