'Hindi ito ang pinangarap kong buhay sa Australia': Pagtakas ng isang Pinay mula sa pang-aabuso ng kinakasama

domestic violence representation image

Source: Pexels /Timur weber

Dumating si Diana (hindi tunay na pangalan) sa Australia na puno ng pag-asa, iniwan ang kanyang buhay sa Pilipinas para sa bagong simula kasama ang kanyang Australian partner. Pero ang mga naging karanasan nya sa piling ng minamahal ay malayo sa kanyang inaasahan. Pakinggan ang kanyang kwento.


Key Points
  • Isa si Diana sa halos apat na milyong tao sa Australian na dumanas ng family and domestic violence.
  • Sa datos ng Australian Institute of Health and Welfare, dalawa sa bawat limang biktima ng sexual abuse lang naglalakas loob humingi ng tulong.
  • Paliwanag ng Family Law expert na si Atty. Jesil Cajes ang pamimilit sa isang tao na makipagtalik ay maituturing na sexual coercion.
Listen to the podcast
FILIPINO BREAKING OUR SILENCE EP 4 DIANA image

Breaking Our Silence Episode 4: Sexual Abuse

SBS Filipino

19:28
Ang seryeng 'Breaking Our Silence' ng SBS Filipino ay tumatalakay sa iba't ibang anyo ng domestic abuse, kabilang ang mga karanasan ng mga Filipino sa Australia sa kamay ng kanilang mga partner. Nakatuon ang seryeng ito sa mga nakaligtas mula sa pang-aabuso, patunay na hindi lamang sila mga numero sa istatistika, kundi mga taong may maibabahaging kwento.

Kung ikaw o may kilala kang biktima ng domestic abuse, i-report ito sa pulisya sa pamamagitan ng 000 at sa National Sexual Assault Family and Domestic Violence Counselling Line 1800 – RESPECT o 1800-737-732.
Related Content

Breaking Our Silence


Share