Ilang requirement sa pag-apply ng Temporary Graduate 485 visa, pansamantalang inalis

Graduates

Graduates Source: Getty Images/SolStock

Nagkaroon ng pag-amyenda sa regulasyon ng subclass 485 sa graduate work stream kung saan pansamantalang tinanggal ang requirement na nominated occupation at skills assessment.


Highlights
  • Ang temporary graduate visa subclass 485 Graduate work stream ay visa para sa mga international students na nagtapos na may skills at qualifications na may kaugnayan sa partikular na occupation na kinakailangan sa Australia.
  • Pansamantala lamang ang amendment na nabanggit na epektibo simula 01 Hulyo 2022, hanggang sa 30 Hunyo 2023 pero may isang probisyon na posibleng magpalawig ng nasabing bagong panuntunan.
  • Bagaman pansamantalang inalis ang nominated occupation at skills assessment, nanatili pa din ang ilan pang eligibility requirements na kinakailangan sa mga aplikante.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 

Pakinggan ang audio: 
LISTEN TO
Changes in requirements for Temporary Graduate 485 visa come into effect image

Ilang requirement sa pag-apply ng Temporary Graduate 485 visa, pansamantalang inalis

SBS Filipino

09:04
Mas nabuhayan ng loob ang international student mula sa Melbourne na si Joshua Sagrilato sa balitang dalawang requirement ang pansamantalang tinatanggal para sa mga aplikante ng Temporary Graduate visa subclass 485 sa Graduate Work Stream.  

Sa panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Joshua na "maganda ang ginawa nila, less hassle at malaking motivation sa mga aspiring international students na piliin yung Australia kaysa sa ibang bansa."

Dagdag pa ni Joshua, "May kapatid ako nag-apply ng visa, kukunin niya ay VET course na Leadership Management at malaking bagay yung pagka-alis nila ng skills assessment sa 485."
International Student from Melbourne Joshua Sagrilato
International Student from Melbourne Joshua Sagrilato Source: Joshua Sagrilato
Nag-aaral ng Bachelor in Business and Information System ang 28 year-old na si Joshua at sa kanyang pagtatapos, plano nitong mag-apply ng 485 visa. 

2021 nagsimulang mag-aral si Joshua ng kanyang Bachelor’s degree at nakatakdang magtapos sa 2024, dito pa lamang siya maaring mag-apply ng 485 visa at hiling niyang ma-extend ang amendment na ito.

Sa panayam ng SBS Filipino, ipinaliwanag ng Registered Migration Agent at Director and Lawyer ng Auspac Visa na si Ms. Teresa Perilla-Cardona ang pag-amyenda sa Migration Regulations 1994 na tinawag na The Migration Amendment Occupation Nominations and Skills Assessment for subclass 485 Regulation 2022. 

Tila mas gagaan ang proseso ani Ms. Teresa para sa pagtanggal ng pangangailangan na  magnominate ng occupation na nasa listahan at skills assessment nito para sa mga international student na kukuha ng subclass 485 sa graduate work stream gaya ng mga nag-aaral ng childcare, engineers na nasa vocational sectors, nag-aaral ng cookery at iba pa.

May isang probisyon na posibleng magpalawig ng nasabing bagong panuntunan dahil ito ay epektibo simula 01 Hulyo 2022 hanggang sa 30 Hunyo 2023 lamang.
Registered Migration Agent Teresa Penilla-Cardona
Registered Migration Agent Teresa Penilla-Cardona Source: Auspac Visa
At dahil pansamantala, paaalala pa din ni Ms. Teresa sa mga mag-aaral sa Australia na "mag-research at alamin kung anong kurso ang magbibigay ng tamang pathway lalo na kung may mga plano na maging Permanent Resident."

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.

Share