Highlights
- Ilang pagbabago sa visa simula ngayong Hulyo a-Uno ang magbibigay ng bagong pathway sa permanent residency sa Australia para sa ilang mga skilled workers.
- May mga bagong places para sa working holiday-makers at pagkakataon sa mga graduates na apektado ng pagsasara ng border dahil sa COVID-19 na magamit ang panahon nang hindi sila nakapasok sa Australia.
- Ayon sa ilang migratin lawyer, ang mga pagbabago na ito ay malaking bagay din sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng pandemya.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
Ano-anong mga visa subclass ang maaapektuhan ng mga pagbabago simula ika-1 ng Hulyo 2022?
SBS Filipino
30/06/202206:32
Ano ano nga ba ang magiging pagbabago sa ilang mga visa class na epektibo sa July 1?
Una na dito ang kaugnay sa temporary skill shortage subclass 482 visa holders kung saan mas mapapadali ang pathway sa mga mag-aapply ng permanent residency.
Simula July 1, ang mga ito ay papayagan na mag-apply ng Temporary Residence Transition o TRT visa kung saan ang mga skilled worker na nominado ng kanilang employer ay maaring tumira at magtrabaho sa Australia ng permanente.
Ngunit ang bagong pathway na ito ay dalawang taon lamang balido.
Ang mga eligible ay kailangang nanatili sa Australia ng isang taon sa pagitan ng A-uno ng Pebrero 2020 at December 14, 2021.
Samantala isa pang visa na magkakaroon ng pagbabago ay ang 457 visa.
Tatanggalin na ang restriksyon sa edad sa mga aplikante ng permanent residency sa pamamagitan ng T-R-T stream.
Dalawang taon din ang pagbabago na ito na wala ng magiging age limit.
Para maging eligible sa eksempsyon sa edad, ang aplikante ay dapat na nasa Australia sa pagitan ng February 1, 2020 hanggang December 14, 2021.
Samantala… may pagbabago din sa mga nagtapos ng pag-aaral kamakailan.
Ang mga Temporary graduate visa holders na hindi nagamit ang panahon nila dahil sa travel restrictions hatid ng COVID-19 ay papayagang mag-apply ng replacement visa.
Para maging eligible dito, dapat ay may hawak na valid visa sa nasabing kategorya o dating mayroon na na nag-expire noong at matapos ang February 1, 2020
Dapat din ay nasa labas ng Australia sa pagitan ng February 1, 2020 at December 15, 2021.
Inaasahan na mabe-benepisyuhan nito ang tinatayang tatlumpung libong kasalukuyan at dating visa holders
Malaki naman ang naging epekto sa mga industriya na nakadepende sa mga working holiday makers sa naging pagsasara ng border dahil sa COVID-19.
Kaya ngayong simula ng July 1, magkakaroon ng pagtaas na 30 percent sa cap o limitasyon sa bilang ng working holiday makers na may hawak na visa 462 mula sa iba’t ibang bansa na magiging epektibo ngayong 2022 hanggang 2023 lamang.
Mula rin sa bagong financial year, ang Mongolia at Brazil ay magiging bahagi ng Working Holiday maker visa program ng Australia.
Habang may pagbabago din sa age limit sa ilang bansa gaya ng pagtaas ng edad mula sa 30 years old na gagawing 35 years old para sa mga italian at Danish Citizens.