Bagong kondisyon sa student visa sa pagpapalit ng kurso, hindi sakop lahat ng international students

Visa Application

Visa Application Source: Getty Images

Sa bagong polisiya, maaari lamang magpalit ng kurso, thesis o research topic ang international student kung pahihintulutan ng Ministro ng Home Affairs.


Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 

Pakinggan ang audio:

LISTEN TO
How the new student visa condition affects you if you change courses image

Bagong kondisyon sa student visa sa pagpapalit ng kurso, hindi sakop lahat ng international students

SBS Filipino

23/06/202208:59



Highlights

  • Ayon sa Condition 8204, ang mga international student ay kailangang humingi ng permiso sa Minister kung magpapalit ng kurso, thesis, o research topic.
  • Ang mga saklaw ng kondisyon na ito ay ang mga nag-aaral ng Graduate Certificate, Graduate Diploma, Master’s degree o Doctorate studies lamang.
  • Ang Condition 8303 naman ay nagsasabing ang may hawak ng visa ay hindi dapat mapasama sa mga aktibidad na makakagambala o magiging banta sa pamamagitan ng karahasan sa komunidad o grupo sa Australia.

Nag-alala ang 22 years old na si Meljun Velasquez na isang aplikante ng Student Visa mula sa Davao sa narinig na balitang hindi na maaring magpalit ng kurso sa Australia hangga’t hindi naaprubahan ng Ministro ng Home Affairs.

Pero tila nabunutan ito ng tinik matapos malamang hindi sakop ang kanyang kukuning kurso na Certificate at Diploma of Information Technology. 

Plano kasi ni Meljun na magpalit ng kurso sakaling hindi niya kayanin ang IT course. 

“Sabi ko naman sa sarili ko, siguro lahat naman ng course mahirap talaga. I have little knowledge to none about this particular course IT. I'm really open to changing my course if I can't handle the pressure and can't balance my work.” saad ni Meljun sa panayam ng SBS Filipino. 
Meljun Velasquez, Australian Student Visa applicant from Philippines
Meljun Velasquez, Australian Student Visa applicant from Philippines Source: Meljun Velasquez
Sa naging panayam ng SBS Filipino sa Registered Migration Agent na si Ginoong Edmund Galvez, sinabi nitong na-amyendahan ang Migration Act of 1958 para sa subclass 500 visa holders o mas kilala sa student visa.

Nais na linawin ni Ginoong Galvez na hindi lahat ng international students ay saklaw ng bagong polisiya na maari lamang magpalit ng kurso kung maaprubahan ng Ministro. 

Dagdag pa nito na karamihan anya ng mga estudyante mula sa Pilipinas ay nag-aaral ng vocational courses gaya ng Certificate III o IV, Diploma o Advanced Diploma na hindi sakop ng kondisyon. 

“Gusto kong iklaro na hindi lahat ng international students ang maaapektuhan ng bagong student visa conditions 8204 and 8203. Only those who are studying Graduate Certificate, Graduate Diploma, Master’s degree, or Doctorate studies starting July 2, 2022.”  dagdag ni Ginoong Galvez.
Registered Migration Agent Edmund Galvez
Registered Migration Agent Edmund Galvez Source: Edmund Galvez
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.

Share