Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng tamang high school na papasukan sa Australia

Selecting a high school can be unexpectedly stressful for both parents and children.

Source: Getty Images/Daniel Pockett

Pahirapan para sa mga magulang at mismong mga estudyante ang pagpili ng papasukang high school sa Australia. Subalit, ang pagbibigay halaga sa mga imporanteng bagay sa buhay ay makakatulong para makahanap ng angkop at tamang eskwelahan ayon sa pangangailangan at kalagayan ng estudyante.


Pakinggan ang audio
LISTEN TO
Choosing a high school: which school best suits your child? image

Choosing a high school: which school best suits your child?

SBS Filipino

08:57
Maselan at pahirapan ang pagpili ng papasukang eskwelahan sa high school o tinawag na Australian secondary school.

Subalit ayon kay Derek McCormack na direktor ng Raising Children Network dapat may mga isaalang-alang  ang mga magulang at estudyante bago mag-enrol.


 

Highlights

  • Ang high schools sa Australia ay nahahati sa tatlong sektor, government , independent at catholic.
  • Ang paaralan ba ay tugma sa sariling kaugalian, kultura at pananampalataya 
  • Ang mga tinatawag na independent schools ay mas mahal ng bayad, mas mahal pa sa Catholic schools, at ang bawat paaralan na ito ay iba-iba din ang bayad.

“Nagiging stressful ang paghahanap ng paaralan dahil marami ang dapat isaalang-alang. Halimbawa, dapat ang eskwelahan ay magaling sa academic results,  tugma sa personal na pangangailangan at kaugalian, at makakatulong ba ito para maging kapakipakinabang na tao."
Choose a school that matches to your own values.
Choose a school that matches your own values, with high academic performance and results. The school must be approved by the students. Source: Getty Images/PhotoAlto/Sigrid Olsson
Ayon naman kay Ross White ang General Manager ng Good Education Group, mahirap  at isang malaking hamon din ang paghahanap ng tamang impormasyon na angkop sa pangangailangan ng isang estudyante.

“Ang nagpapahirap ay dahil komplikado ang ginagamit na termino ng impormasyon na kailangan ng mga magulang at estudyante. Nariyan ang academic results o NAPLAN na datos pati bilang ng enrolment, hindi naiintindihang ng mga magulang."

Ang Good Education Group ay naglalathala ng ‘Good Schools Guide’, ito ay isang instrumento para gabayan ang mga magulang at maihambing ang mga paaralan sa bansa.

Mga dapat tandaan

Tinukoy din ni Mr White ang apat na pangunahing bahagi na dapat isipin ng mga magulang  sa pagpili ng mga papasukan ng mga anak, base ito sa inilabas nilang ‘Good Schools Guide’.

“Ang bayad sa eskwelahan abot-kaya ba, lokasyon, gaano kagaling ang performance ng paaralan  at  tugma ba ito sa pangangailangan, kultura at kaugalian ng estudyante. Ito ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga paaralan."

Ang ideya ng ‘fit’ o angkop ay ang  pagkatugma ng kultura ng eskwelahan sa iyong pinaniniwalaan at kaugalian. Ayon kay Derek McCormack ito ang pinakamahalaga sa lahat at marami pa ang dapat isa-alang-alang.

“Dapat itanung sa mga magulang at estudyante sa sarili bago pumili. Private ba o public school ang gusto na pasukan? Ang turo ba ng eskwelahan ay tugma sa paniniwala at kultura ng pamilya? Mas pabor ka ba na mas tutok sa academic achievement ang , uniform policy at sports."

Ninanais din ng ibang mga magulang na ipasok ang mga anak sa eskwelahan kung saan itinuturo ang religious education o pananampalataya  dahil mahalaga ito sa kanila.

May mga pagkakataon naman na ang kagustuhan ng mga bata ang nag-uudyok sa desisyon ng mga magulang.

“Dapat mag-usap ang mga anak at magulang sa pagpili ng paaralan. Dapat isaalang-alang ng magulang kung interesado ang mga anak as extracurricular activities, may kaibigan ba sila  sa bagong paaralan. Importante ito na magkasundo ang magulang at anak."

Ang Australian secondary schools ay karaniwang nahahati sa tatlong sektor: gobyerno, Katoliko at independyente.

Dagdag din ni Mr McCormack maraming pamilya ang piniling sa mga local government high school pinasok ang mga anak.
Parents should consider their children's welfare in choosing  a high school.
Parents should consider their children's welfare in choosing high schools. Source: Getty Images/davidf

Government high schools

Madali lang makita ang mga eskwelahang ito sa online, ito ang mga eskwelahan na malapit sa iyong tirahan at lahat ng eskwelahan ay nagpapatupad ng enrolment zoning.

“Kapag napili ng magulang at anak ang isang paaralan na labas na sa enrolment zoning ng paaaralan, dapat makipag-ugnay sa paaralan  para alam kung ano pa ang maaaring magawa para makapasok."

May mga estado din sa bansa na government schools na  nag-aalok ng selective-entry ibig sabihin, ang  mga estudyante ay dumaan sa competitive entrance tests.

Ang mga primary school din sa bawat estado at teritoryo ay suportado ang pagpasok ng mga bata sa mga lokal na government highschool.

At isa sa may magandang karanasan dito ang magulang na si Arlene kung saan ngayong taon lang  nagsimula ang anak sa high school sa Melbourne.

“Kadalasan sa buwan ng Mayo kapag nasa year 6 na ang mga bata,nagbibigay ang  paaralan ng mga impormasyon tungkol sa secondary schools at may mga alok na para sa mga bata na maaaring pagpilian."
There are also specialised high schools that focus on particular study areas such as creative and performing arts, language, science, maths and sports.
There are also specialised high schools that focus on particular study areas such as creative and performing arts, language, science, maths and sports. Source: Getty Images/Daniel Pockett
Mayroon ding mga high schools na nakatuon sa mga partikular na pag-aaral tulad ng mga creative at performing arts, wika, science, maths  at palakasan. Subalit dapat tandaan ng mga estudyante na kailanga matugunan nito ng pamantayan sa pagpasok.

Samantala parehong ang  government at independent Special Needs Schools ay suportado ang mga mag-aaral na may kapansanan, may problema sa kalusugan at may kondisyon na hirap matuto.

Subalit si Arlene pinili ang opsyon na pasukan ng anak ang non-government school.

“Hinanap namin yong eskwelahan na abot-kaya ang bayad, malapit sa aming bahay. Nakita namin na ang Catholic school ay malapit sa amin at bagay sa aming anak."

Ang independent schools na man ay may mataas na bayad kumpara sa Catholic schools at bawat paaralan nito ay may iba- iba ang halaga na sinisingil.

Samantala ang government schools ay boluntaryo ang kontribusyon.

My School website

Makakatulong din magbigay ng impormasyon sa paghahanap ng eskwelahan ang  Australian Schools Directory na makikita sa online, maari ding bisitahin ang   kung saan nakalista ang lahat ng eskwelahan sa buong  bansa.

Mahahanap din base sa pamantayan gaya ng lokasyon, relihiyon, single o mixed gender schools  pati ang academic performance ng mga paaralan.

Good Schools Guide

Samantala sabi ni Ross White ang ‘Good Schools Guide’ ay may karagdagang inaalok na impormasyon sa wikang Ingles.

“Ang lahat ng paaralan ay makikita sa  Good Schools Guide website  at makikita ang mga programa ng paaralan. Maaari ding mai-kompara ang maraming eskwelahan para makapili ng tama."

Kasanayan ng mga paaralan

Saad pa din ni Mr McCormack mahalaga din sa mga pamilya hindi lang ang academic results ng eskwelahan dapat isa-alang-alang, isama din ang ibang kasanayan.

“Halimbawa, magaling ba ang partikular na paaralan sa arts, ano ang extacurricular actiivies na inaalok ng nito. Anong sports ba ang maaaring matutunan ng anak at tugma ba ang itinuturo ng eskwelahan sa kultura at kaugalian ng iyong pamilya."

Kailan maaaring mag-enrol?

Alamin din ng mas maaga kailan ang petsa ng enrolment para makapaghanda at may tamang panahon na pumili ng paaralan.

Para sa government high schools, kadalasan bukas ang enrolment sa buwan ng Abril at Mayo, sa panahon na nasa  huling baitang sa primary school ang mga estudyante.

Sa non-government high schools naman mas mahaba ang waiting list kaya dapat simulan ng mas maaga ang proseso ng enrolment, lalo’t bawat paaralan ay may iba’t-ibang petsa .

Ang inang si Arlene ay may abiso sa iba pang mga magulang dapat makipag-ugnay mismo sa mga paaralan para tama ang impormasyong makukuha sa pagpapa-enrol ng mga anak.

“Gusto namin sa aming anak na maging masaya ang kanyang high school at may natutunan sya. Maaari din bumisita sa mga website ng paaralan na mga ito para alam ng magulang at higit sa lahat dapat unahin ang enrolment ng mga bata."


 

 


Share