‘Christmas in our hearts’: Unang Pasko sa Geelong event, gaganapin para sa mga Pinoy sa regional Australia

fafag.jpg

Filipino Australian Friendship Association of Geelong Inc (FAFAG) President, Mila Cichello discussed the significance of the first 'Pasko sa Geelong' event and why Filipinos in regional Victoria should participate. Credit: FAFAG

Ang Pasko sa Geelong 2023 ay gaganapin sa Linggo, ika-3 ng Disyembre sa FAFAG Clubhouse, Norlane na magtatampok ng pagdiriwang ng Pasko, Pinoy-style.


Key Points
  • Ang FAFAG ay isang organisasyon na binuo ng isang grupo ng mga pamilyang Pilipino, Australyano, at mga taga-Europa na naninirahan sa Geelong noong Setyembre 1981.
  • Ang layunin ng asosasyon ay mag-organisa ng mga pagtitipon upang itaguyod ang komunidad, alagaan ang kultura ng Pilipinas, at makipagtulungan sa iba't ibang etnikong grupo sa pagpapalaganap ng multikultural na pagkakakilanlan.
  • Ang FAFAG ay nakatanggap ng maliit na Events Grant mula sa pamahalaan ng Victorian para sa unang Pasko sa Geelong na layong ipagdiwang ang Pasko sa paraang Filipino: may masasarap na pagkain, grupo ng mga awiting pamasko, dasal, sayawan, at mga parol na yari sa kawayan.

Share