Sa mga arabal na maraming nakatirang Pilipino, ang mga tunay na kainang parang karinderya ay nagkalat, subalit iyan na mismo ang hinggil sa mga eksena ng pagkaing Pinoy na sa maraming taon ay inaasahan nang sumigla o makaakit ng interes. Subalit, ang ekspectasyong iyon ay hinihitay pang bumunga.
Sa kasuwertihan, ang mga five-star hotel sa mga nakalipas na panahon ay tinutulak ang mga pagkaing Pinoy sa elegante at halos fine-dining na presentasyong buffet.
Hanggang nakaraang taon, ang Grace Hotel sa Sydney ay nag-organisa ng mahigit sampung taon na taunang dalawang-linggong food festival. Ang sampung-araw na food festival ng Shangri-la ay nagiging bahagi na ng kalendaryo ng pagkain nila.
"Every year, we organise several food festivals with cuisines from around the southeast Asian countries, but the Philippines is the most popular, " pahayag ni Madeleine Coe, Communications Executive of Shangri-la Sydney.
Si Coe, na pamilyar sa merkado ng fine dining market in CBD, ay napapansin na walang restawran sa CBD na nag-aalok ng tunay na pagkaing Pinoy sa pormal na dining setting. (La Mesa restawran sa Haymarket na kaisa-isang Filipino food restaurant na halos may fine-dining setting ay nagsara sa simula ng taon. )
Subalit, nakakalungkot na ang mga five-star hotel ay hindi maka-pag-aalok ng permanenteng restawran na may isang tema mula sa isang bansa. "A food festival is the one closest to it," inamin ni Coe.
Ngayon, sa ika-anim na edisyon, ang Filipino Food Festival na kadalasa'y nagaganap tuwing Setyembre at Oktubre ay nag-aalok ng mga tunay na Pagkaing Pinoy, kasama ang mga panghimagas. Nang magsimula ito noong taong 2012, karangalan nilang naging bisita ang isang pinuno ng bansa bilang isa sa mga customer -- si Pangulong Noynoy Aquino.
Kadalasan, isang pangkat na binubuo ng tatlo mula Shangri-la Makati ang pumupunta rito, para tingnan ang preparasyon at pagluluto.
Subalit ngayong taon, tila naiiba. Mismong ang Executive Sous Chef ng Shangri-la Makati, Anthon Galo, na kadalasa'y nagbibigay ng assignments mula Maynila ang namuno para tingnan ang popular na pista ng pagkain . Kasama niya ang dalawang chef -- chef de partie Zharin Salac at Manny Boy Alday.
"We are offering nine main dishes and more than ten desserts, aside from the salads" paliwanag ni Galo. "We try to offer a dish from every region in the Philippines".
Lechon de leche mula Cebu, bagnet binagoongan mula rehiyon ng Ilocos, bistek na Isda mula rehiyon ng Tagalog, at Chicken Inasal ng kabisayaan ang ilan sa mga nakapaglalaway na pagkain.
Alam ni Galo na ang modernong Pagkaing Pinoy na fusion ay sumisikat sa iba't ibang bahagi ng mundo, at sa taong ito, nais niya ang mga Pinoy Australyano na makatikim na tunay na pagkaing Pinoy , kahit sa kanilang leche flan.
"We use condensed milk rather than milk and sugar, which is very common in western cooking of creme-based deserts."
"And this differentiates our leche flan from the others,' ipinagmamalaki niya.

Source: SBS

Source: SBS
(Ang sampung araw na Filipino Food Festival ay nagaganap sa Cafe Mix restaurant, Shangri-La Sydney hanggang ika-3o ng Setyembre)