SBS Examines: Sinabihan ka bang ikakansela ang iyong visa? Mga maling impormasyon, nauuwi sa pang-aabuso sa visa

Visa rejection, immigration challenges, or geopolitical issues. Hand discarding visa into trash bin against world map background. Minimalist art collage

A hand discarding a visa into a trash bin against a world map background. Visa rejection, immigration challenges, or geopolitical issues. Source: iStockphoto / Lari Bat/Getty Images

Komplikado at magulo ang sistema ng migrasyon. Sabi ng mga eksperto, ang kakulangan ng tamang suporta at impormasyon ay nagdudulot ng pang-aabuso sa visa.


Bumili si Sunil ng sasakyan sa Facebook Marketplace, ngunit matapos itong imaneho, nagkaroon ito ng mga kakaibang ingay.

Ipinaalam ni Sunil ito sa nagbenta, na humiling na ituloy pa rin ni Sunil ang pagkuha sa sasakyan. Sa huli, nagdesisyon si Sunil na ipagawa na lang ito at bayaran ang nagbenta ng natitirang halaga.

"The seller started threatening me and said his solicitor will contact me and see me in court," sinabi niya sa SBS Examines.

"But because of my visa status and being afraid of going to court and what that would do to my record, I just pay extra to get car repaired myself."

Sabi ni Sunil, ito ay isang karaniwang pananaw para sa maraming visa holder.

"There is fear in my community of visas being revoked when it comes to fines. They just pay them even if they know when sometimes they're not at fault or get wrongly fined," aniya.

Sinabi ni Ann Emanuel, principal solicitor ng Immigration Advice and Rights Centre, na ang karamihan ng takot at maling impormasyon ay maaring maiugnay sa pagiging kumplikado ng sistema ng migrasyon.

"We do hear a lot from our clients that they've been told something about a visa being cancelled or being deported . . . Part of it is the complexity of the migration system, it's not a straightforward or an easy thing to understand," saad niya.

Sinabi ni Emanuel na ang pinakakaraniwang insidente ng pang-aabuso sa visa ay nangyayari sa mga lugar ng trabaho o sa mga domestic violence.

"There's a really big fear about what the consequences are if they leave or if they report," ayon sa kanya.

Sa episode na ito ng SBS Examines, tatalakayin natin kung ano nga ba ang mga dahilan para ikansela ang iyong visa at kung paano nakakaapekto ang maling impormasyon sa pang-aabuso sa visa.
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share