SBS Examines: Paano nakakaapekto ang pagpasok ng mga refugee sa Australia sa ekonomiya?

IMG_4986.jpeg

Hedayat Osyan is the CEO and founder of social enterprise Community Construction. He came to Australia by boat after fleeing the Taliban at only 17-years-old. Credit: Supplied

Naglaan ang Australia ng $13 bilyon para sa offshore processing sa loob ng higit sa isang dekada. Ayon sa mga eksperto sa karapatang pantao, may mas mura at mas maayos paraan.


LISTEN TO
SBS Examines - Cost of refugee image

SBS Examines: Paano nakakaapekto ang pagpasok ng mga refugee sa Australia sa ekonomiya?

SBS Filipino

08:20
Sa edad na 17, tumakas si Hedayat Osyan mula sa Afghanistan upang makaiwas sa Taliban. Ipinasok siya ng mga smuggler sa iba't ibang lugar bago makarating sa Australia sakay ng bangka.

Si Hedayat ay ikinulong sa Christmas Island, at pagkatapos ay sa Melbourne, bago makamit ang permanent residency.

Noong 2016, nakahanap siya ng part-time na trabaho sa konstruksyon.

“During this time I found that lots of refugees, they are struggling to find a job. Some of them who get [a] job, they're being exploited in the workforce due to language barrier, lack of a network," sinabi niya sa SBS Examines.
Itinatag ni Hedayat ang Community Construction, isang social enterprise na nag-e-empleyo ng mga refugee at asylum seeker. Nakumpleto na nila ang higit sa 300 proyekto at may higit sa 100 empleyado.

“I'm receiving at least five application every day from refugees. They want to work, they want to contribute, they want to support their families. They don't want to be on Centrelink, but there's no equal opportunities," ani Hedayat.

Ayon sa Department of Home Affairs, umabot sa $13 bilyon ang ginastos sa offshore processing mula 2011 hanggang 2023.

"That works out on average, over that time, to be over half a million dollars per person who we have sent offshore," ayon kay Jana Favero, deputy CEO ng Asylum Seeker Resource Centre.
Naniniwala siya na ang onshore processing ay isang posibleng solusyon.

“The comprehensive plan that was brought in under Malcolm Fraser meant that we welcomed and we resettled people directly into Australia, so they weren't having to risk their lives . . . they were also coming in and contributing to Australia," dagdag niya.

Sa episode na ito, tinutukoy ng SBS Examines ang mga polisiya ng Australia ukol sa mga refugee, at tinatalakay kung paano pwedeng bigyan ng prayoridad ang karapatang pantao at ang ekonomiya.
LISTEN TO
Skilled migrant SBS Examines image

Migrants aren't being hired in the jobs they're qualified for. It's costing Australia billions

SBS English

06:15
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on and .

Share