KEY POINTS
- Para kay Lara Aoyogi na isang first-time mum, ang co-sleeping ay tila likas na sa kanya. Ibinahagi niya na natural niyang na-adopt ang praktis na ito nang isilang ang kanyang anak sa Australia.
- Sinabi ni Dr. Angelica Logarta-Scott, isang espesyalistang GP, na may mga pag-aaral na sumusuporta sa mga benepisyo ng co-sleeping. Gayunpaman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pag-aangkop ng mga ligtas na praktis upang mabawasan ang mga panganib na dala nito.
- Ang co-sleeping ay hindi tanggap sa Australia dahil sa mga alalahanin ukol sa mga posibleng panganib sa kaligtasan ng sanggol. Binibigyang-diin ng mga alituntunin sa kalusugan sa Australia ang mga panganib ng co-sleeping, lalo na para sa mga sanggol na wala pang anim na buwan. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtulog sa kama kasama ang isang sanggol ay nagpapataas ng posibilidad ng SIDS (Sudden Infant Death Syndrome), lalo na kapag may mga panganib tulad ng malalambot na kutson, sobrang init, o ang mga magulang ay nakainom ng alak.
Dito sa Australia meron tayong 2–3-bedroom houses and may nursery na para sa anak. Sa Philippines, it was never a thing. When you’re born, you sleep with your parents until you’re 4 or 5 or until you say I don’t want to sleep with you anymore.First-time mum from Cairns, Lara Aoyogi
In Australia, ang recommendation is room sharing without bed-sharing to reduce the risk of SIDS and other sleep-related dangers. Ang stand ko diyan is to remind parents about the risks. If they decide to co-sleep, very important ang safety.Specialist GP Angelica Logarta-Scott
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
LISTEN TO THE PODCAST
Co-sleeping: An accepted practice in the Philippines, but not in Australia
SBS Filipino
05/12/202412:22
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.