KEY POINTS
- Aabot sa 60 na bansa ang ipinagbabawal ang pamamalo sa loob ng tahanan. Kabilang dito ang France, Germany, Japan at iba pang mga bansa ayon sa UNICEF.
- Sa Australia, manatiling na-aayon sa Australian common law ang pagdidisiplina sa mga bata basta’t makatwiran o reasonable. Ito ang tinatawag na reasonable chastisement. Ngunit ang sobra-sobrang pamamalo o pang-aabuso ay maaring makonsiderang criminal offence sa ilalim ng child abuse laws.
- Binahagi ng Family Dispute Resolution Mediator na si Donovan Nufable ang ilang paraan kung paano maaring disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak.
- Kamakailan ay tinutulak na din sa Pilipinas ang batas ng positive parenting and non-violent discipline.
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.
Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa isang eksperto.