Highlights
- Southern Cross dito sa Australia ay magandang masisilayan sa panahon ng taglagas at taglamig.
- Sabi ni Carol Redford o “Galaxy Girl” at founder ng Astrotourism sa Western Australia, nakikita ang magagandang tanawin sa kalangitan dahil sa angking dark sky mayroon ang bansa.
- Dark sky tourism sa regional Western Australia ay tinaguriang pinakamagandang lugar na mag-stargazing sa buong mundo.
Dahil matatagpuan sa katimugang bahagi ng mundo o southern hemisphere ang Australia makikita ang mga nagniningningang bituin at konstelasyon o mga bituin na naka-ayos na may hugis o pattern na hindi nakikita mula sa hilagang bahagi ng mundo o northern hemisphere.
Ganito inilarawan ni Duane Hamacher na isang Associate Professor ng Cultural Astronomy mula University of Melbourne ang kalangitan. Dagdag atraksyon pa ang pinakinang na kalangitan dahil sa city lights, kaya mainam itong pwesto para sa stargazing.
Pakinggan ang podcast:
LISTEN TO

Dark sky tourism: stargazing in Australia
SBS Filipino
08:18
“Paglipat ko mula US papunta dito sa Australia namangha ako sa ganda kalangitan, makikita mo ang Milky Way, ang Magellanic Clouds, ang lugar ng Milky Way patungo sa Southern Cross kitang-kita dito sa Southern Hemisphere."
Pinakapopular na konstelasyon dito sa Australia ay ang tinatawag na Southern Cross, pinakamaganda itong pagmasdan sa panahon ng taglagas at panahon ng taglamig o winter. Binubuo ito ng limang naglalakihang bituin na tila naka-ayos na horizontal diamond, mas pinatingkad ito dahil ang kalangitan dito sa Australia kapag gabi, ito’y malinis at napakadilim.
“Dito sa Southern Hemisphere para makita ang magandang tanawin sa kalangitan kailangan talaga na sobrang itim ng langit (dark sky) gaya ng Magellanic Clouds. Ang ganda nila tingnan dito sa Australia."
Ayon kay Carol Redford o mas kilalang “Galaxy Girl” na founder ng Astrotourism sa Western Australia, nakikita ang magagandang tanawin sa kalangitan dahil sa angking dark sky mayroon ang bansa.
Layunin ni Redford na palakasin ang dark sky tourism sa regional Western Australia dahil tinagurian itong pinakamagandang lugar na mag-stargazing sa buong mundo.
“Hindi na kailangang lumayo sa may Blue Mountains sa Sydney, Western QLD, WA sa Perth, NT at SA basta malayo sa ilaw sa mga syudad maari kang magstargazing, makikita mo ang milyong milyong mga bituin."
Dagdag ni Duane Hamacher ang nakikitang tila pinagtagpi-tagping bituin sa kalangitan ay may bakas ng kwento at kaalaman mula sa mga katutubo.
Ang Western and Aboriginal and Torres Strait Islander ay nakikita ang magkakaibang grupo ng mga bituin o constellatios pati at ang Dark sky constellations ang pinaka-unique dito sa Southern Hemisphere. Ang dark spaces ayon sa Western Astronomy dun ang cool gas at dust saan nabubuo ang lituin. At sa Aboriginal tradition, dito nabubuo ang hugis ng maraming hayop."
Ayon sa Astronomer na si Ghillar Michael Anderson na isang Euahlayi Elder mula sa hilagang kanlurang bahagi ng New South Wales ang nakikitang Emu o hugis emu sa Milky Way ay mahalagang spirit animal. At ang posisyon nito sa paglubog ng araw ay nangangahulugan tungkol sa katauhan at kaugalian nito.
“Ang hugi Emu sa kalawakan , ay pinaniniwalaang taga-bantay ng tubig, patungo sa water system ng Australia. Ito ay tinaguriang pagkakatawang-tao dito sa kalangitan na nasa tubig."
Kaya saad ni Hamacher walang duda ang mga First Nations people dito sa bansa ay ang kauna-unahang mga astronomers.
“ Nang dumating dito sa Australia ilang ilang daang libong taon na ang nakakaraan ginamit nila ang kanilang kaalaman sa astronomy para makarating dito. At ngayon, pinag-aralan nila pati galaw at position ng mga ito sa kalangitan hanggang tinawag ng mga Elders ang "reading the stars" kung saan sinasabi na ang lahat dito sa lupa ay sumasalamin sa kalangitan."
Ang Dark sky tourism ay hindi lang nangangahulugang pagbubukas ng Western astronomy sa buong mundo kung hindi para ipakilala ang natatanging kaugalian at kaalaman ng mga First Nations people.
“ kung tumingin ka sa kalangitan sa gabi makikita mo ang Milky Way sa hilagang-timog na bahagi ng kalangitan. Mas maliwanag din sa silangang bahagi ng Milky way at sa kanluran ang gabi, so dalawang bahagi ang mundo at Milky Way. Sa amin nagbibigay din ito ang sign kung sino nag maaring pakasalan at hindi."
Layunin din ni Galaxy Girl na tulungang ikampanya ang pagrespeto sa kaugalian at pinaniniwalaan ng mga Aboriginal, na ang kalangitan ay may koneksyon sa pakikisalamuha ng mga Aboriginal sa kapaligiran, kaya may tanging panawagan ito sa gobyerno.
“Ang light pollution ay tumataas ng 2% bawat taon lalo't mas lumalaki ang mga syudad pero ang gobyerno ay alam na dahil sa ating dark sky tourism alam nila dapat alagaan natin ang ating dark sky lalo na dito sa WA. "
Sa ngayon masayang ibinahagi ni Redford o Galaxy Girl ang sinaunang kwento gamit ang makabagong teknolohiya para ipakita ang maganda sekreto ng kalangitan.
Tumutulong din sya sa paggawa ng Aboriginal astronomy tourism trail, para matuto ang mga tao sa bansa at sa buong mundo tungkol sa kalangitan sa gabi mula sa First Nations Elders at guides.
Bagay na sinang-ayunan at suportado ng Astromome O-lia Elder na si Ghillar.
“ May binubuo kaming dark sky program isa itong tourist programs, pinapakita natin sa kanila ang kaugnayan ng nasa baba at sa mga bituin. Tuturuan din natin silang bumasa at intindihin kaugnayan ng mga bituin at tao."