Engineered stone na sanhi ng sakit ng ilang stonemason kabilang ang isang Pinoy, ipagbabawal na sa Australia

A man stands with his arms folded

Ronnie Pongos wants the use of high-silica-engineered stone to be banned in Australia. Source: SBS / Tom Stayner

Ipapatupad sa Hulyo 2024 ang nationwide ban ng pag-angkat o paggamit ng engineered stone.


Key Points
  • Ang "engineered stone" ay isang materyal na naging popular noong 2000s bilang isang matibay at mas abot-kayang alternatibo sa natural na mga bato tulad ng marmol at granite para sa paggawa ng mga bench-tops.
  • Ayon sa tantiya ng Safe Work Australia, umaabot sa dalawa hanggang tatlong milyong bahay sa Australia ang may engineered stone bench tops.
  • Pero matapos ang insidente kung saan isang manggagawa ay magkaruon ng nakamamatay at hindi nagagamot na sakit na tinatawag na silicosis noong 2015, natuklasan sa mas pinaigting na imbestigasyon na nakakamatay ang paglanghap ng mga nasabing bato lalo na at hinahati at ginagawa
Isang Pinoy stonemason na si Ronnie Ponggos ang na-diagnose ng chronic silicosis na isang hindi nagagamot na sakit sa baga.

Sanhi nito ang paglanghap ng maliliit na particles ng silica dust mula sa paggagawa at pagpuputol ng stone benchtops at mga tiles na karaniwang nakikita sa mga kusina.
A man in a hi-vis top on a building site
Ronnie Ponggos has been forced to give up his job as a result of his health condition. Source: Supplied / Ronnie Ponggos
Bagaman marami ang nagdiriwang sa pagbabawal ng "engineered stone" bilang isang tagumpay, may ilang grupo sa industriya ang nagpahayag ng pag-aalinlangan hinggil sa epekto nito sa mga negosyo na umaasa sa materyal.

Share