“You have to offer something extraordinaire from the typical ones found in the market. How do you do that? You reinvent your product,” ayon kay chef Jennibey Tenorio na may 20 taon na sa pagluluto sa hurno (baking).
Habang pinupuhunanan ng Southeast Asian cuisine chef at may-ari ng Omar Ramos ang masasarap na lasa ng mga Pilipinong minatamis, binigyang-diin niya na mahalaga na mapanatili ang tunay na lasa na magbibigay s'yo ng kalamangan sa iyong pag-imbento o pagbabago ng iyong mga produkto.
Sa pagtataguyod para sa higit na promosyon ng mga natatanging pagkaing Pilipino, ibinabahagi ng dalawang chef ang ilan sa kanilang mga kinakailangang masubukan na keyk at panghimagas habang sila'y naghahanda para sa isang magkasamang Filipino cake workshop ngayong Mayo.

Chef Jennibey Tenorio while baking (Supplied) Source: Supplied by Danyal Syed

Chef Jennibey Tenorio and Chef Omar Ramos (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Ang hilig ng parehong chef sa pagluluto, paghahanda ng pagkain at mga pastry ay nagsimula sa kanilang pagkabata sa Pilipinas. Ang unang nagturo kay Chef Omar ng pagluluto ay ang kanyang mga magulang partikular na ang kanyang ina. Bago lumipat sa Australya, siya ay nanirahan sa New Zealand kung saan siya ay dating may cafe. Ilan sa mga dapat matikman na gawa ni Chef Omar ay ang kanyang:
1. Halo-Halo na may homemade ice cream
2. Ang iba't ibang klase ng bibingka
Noong nasa hayskul, si Chef Jennibey ay nagbebenta ng kanyang mga gawang keyk. Siya ay nagtapos ng kurso sa pagluluto. Matapos ang ilang taon ng karanasan sa kanyang tinubuang-bayan, lumipat siya sa Singapore kung saan mas pinahusay ang kanyang hilig at sa kalaunan ay lumipat sa Australya kasama ang kanyang sariling pamilya.

Chef Omar's Halo-halo with a medley of tropical fruits, pandan gelatin and homemade ube ice cream (Angelees Kitchen) Source: Angelees Kitchen

Chef Omar's bibingka variety including bibingkang malagkit, pandan biko, sapin-sapin and cassava pudding (top row, L to R) (Angelees Kitchen) Source: Angelees Kitchen
Ngayo'y abala sa kanyang sariling negosyo sa Bahay sa Wollongong - ang , pinagsasama ni Chef Jennibey ang mga paboritong Pilipinong panghimagas upang makagawa ng mga hindi mapipigilang tikman na mga keyk. Ang kanyang tatlong pangunahing dapat na masubukan ay ang:
1. Ube crème caramel cake
2. Brazo de Mercedes Cheesecake
3. Halo-halo cake

Ube Crème Caramel Cake (Jennibey Tenorio) Source: Jennibey Tenorio

Brazo de Mercedes Cheesecake (Jennibey Tenorio) Source: Tenorio’s Kitchen

Halo-halo cake (Jennibey Tenorio) Source: Jennibey Tenorio