Key Points
- Si Yayoi Kusama ay isa sa mga pinakakilala sa mundo ng sining. Ang kanyang mga polka-dotted pumpkin at flower sculptures ay sikat sa iba't ibang lugar habang ang kanyang infinity mirror rooms ay mahalaga sa kasalukuyang henerasyon.
- Ilan sa mga tagahanga ni Kusama ay ang mag-asawang Camacho. Ang kanilang koleksyon ay umabot na mahigit 100, mula sa mga print, acrylics, oils, at scuplture.
- Para sa Yayoi Kusama exhibition ng NGV, ibabahagi nina Lito at Kim ang siyam na likha mula sa kanilang koleksyon, kabilang ang kilalang Statue of Venus Obliterated by Infinity Nets.
Napahanga sina Lito at Kim Camacho kay Yayoi Kusama noong 2004 nang makita nila ang Yayoi Kusama: Eternity-Modernity exhibition sa National Museum of Modern Art sa Tokyo.
Noong 2005, binili nila ang kanilang kaunang-unahang gawa ni Kusama, isang maliit na Infinity Net painting.
Matapos nito, nagsimula na ang kanilang pagkolekta nang makatanggap ng imbitasyon sa isang exhibition sa isang gallery sa Singapore.
Lito and Kim Camacho with their daughter, with one of Yayoi Kusama's artwork in their home. | Photo: Supplied
Bilang kasama sa kanilang trabaho ang pagpunta sa iba't ibang bansa, aminado ang mag-asawang mas lumawak ang kanilang paghanga sa sining.
Habang tumitira kami sa ibang mga lugar, lumalawak din ang nakikita naming art, nauna na sa Pilipinas at mas lumawak pa ito noong napunta kami sa Japan, Hong Kong, Singapore...Lito Camacho on appreciating art over time
Statue of Venus Obliterated by Infinity Nets 2/10. | Photo: Supplied
Kasama diyan ang Statue of Venus Obliterated by Infinity Nets, Kusama Presents an Orgy of Nudity, Love, Sex & Beauty vol. 1, no. 2, at Woman with a Shadow of a Bird.
Sex Obsession | Photo: Supplied