Ano ang solusyon ng gobyerno sa mga pagkaantala sa pagproseso ng mga visa?

Visa Backlog in Australia

Visa Backlog in Australia Source: SBS

Inihayag ng Kagawaran ng Home Affairs ang mga ginagawa nito para matugunan ang visa backlog ng Australia.


Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino. 

Pakinggan ang audio:




Highlights

  • Ang mga pagkaantala sa visa processing ay dulot pa ng pandemya matapos na ilipat ang mga resources ng Department of Home Affairs sa pagpapatupad noon ng border closure ng Australia.
  • Sinabi ng tagapagsalita ng Department of Home Affairs sa SBS News na gumagawa na ito ng surge capacity upang mapabilis ang pagproseso ng mga visa.
  • Kumukuha ng staff mula sa iba’t ibang unit ng kagawaran at sa Australian Border Force kung saan sa nakalipas na anim na buwan, nagdagdag ng mas maraming staff na nakatutok lamang sa visa processing.

Nagpadala ng email sa Ministro ng Home Affairs ng Australia ang student visa applicant na si Jinanii Devii Galangco mula Baguio City para i-follow up ang kanyang aplikasyon para sa student visa. 

Sa bilang ni Jinanii, 105 days na ang kanyang paghihintay mula nang mag-lodge siya noong March 31 ngayong taon sa pamamagitan ng migration agency. 

Batid ni Jinanii ang tagal ng paghihintay pero may mga pagkakataon na nawawalan ito ng pag-asa.

“Not totally hopeless because I relied on the website na nag-a-update sila pero nakakadown right now na may mga grant o result na delivered pa after na naglodge ako. So recently may naapprove na June 27 siya nag-lodge which is sa VET sector. I would understand  kung sa masteral o mas higher education sector kasi mas mababa talaga ang processing time but it’s the same sector with me. So nakaka-down, nalaktawan ako,” kwento ni Jinanii. 
Australian Student Visa Applicant Jinanii Devii Galangco from Philippines
Australian Student Visa Applicant Jinanii Devii Galangco from Philippines Source: Jinanii Devii Galangco
Ang backlog ng mga visa application ay mas bibigyan ng pansin anya ng bagong gobyerno. 

Ang isyung ito ay binanggit ni Punong Ministro Anthony Albanese sa naging unang pulong ng pambansang gabinete sa mga lider ng estado at teritoryo noong nakaraang buwan.
We have put people from other duties into trying to clear the visa backlog that clearly is something that's required - is necessary and is the easiest way to make an immediate difference.
Sinabi ng tagapagsalita ng Department of Home Affairs sa SBS News na gumagawa na ito ng surge capacity upang mapabilis ang pagproseso ng mga visa. 

Ang surge capacity ay konsepto kung saan kukuha ng mga staff at kagamitan o sistema upang matugunan ang pangangailangan o demand. 

Sa pagkakataong ito, kumukuha ng staff mula sa iba’t ibang unit ng Kagawaran at galing sa Australian Border Force. 

Inaasahan na mapababa nito ang bilang ng mga prayoridad na on-hand application.

Update as of 02 August 2022: Jinanii Devii Galangco's Student Visa has been approved.

Share