Key Points
- Ang pagdiriwang ng Pasko ay isang malaking bagay para sa maraming Pilipino tulad ni Nina Sheryll Nuñez.
- Nakatira ang pamilya Nuñez sa suburb ng Marsden Park NSW. Mahigit 2,100 Pilipino ang naninirahan sa lugar.
- Sa diwa ng Pasko, naglagay ng Christmas light display ang pamilya Nuñez para magbigay saya at makatulong sa mga kawanggawa na nagtataguyod sa mga taong may autism.
LISTEN TO THE PODCAST
A Filipino family in Marsden Park shines light on those with autism this Christmas
14:50
Magbigay saya
Namumukod tangi ang tahanan ng mga Nuñez sa Steeple Place, Marsden Park na todo ang pailaw kapag Pasko.
Ang buong bahay nila ay napapalibutan ng mga Christmas lights at sa harapan ay punum-puno ng mga dekorasyon.
Ang kanilang mga kapitbahay ay may pa-ilan-ilang mga dekorasyon at ilaw na pang-Pasko.
"Actually mini pa rin ito compared to the other houses in different places across Sydney pero very thankful kami sa mga feedback ng mga tao from other suburbs and neighbourhood na dumadayo."
People from nearby suburbs come to the Nuñez's home to see their Christmas light display at Steeple Place in Marsden Park NSW. Credit: SBS Filipino/Annalyn Violata
"Not just one night, magugulat kami may mga bata at mga pamilya na bumabalik-balik para makita ang Christmas light display namin.
Nakakatuwa na kahit malalaki na ‘yung mga kids namin marami pa ring mga bata na nakaka-appreciate ng ginagawa namin."
The Nuñez residence and their Christmas light display in 2017, 2022 and 2024 (photos from left to right) Credit: Nina Nuñez and SBS Filipino
Diwa ng Pasko
Pito taon na mula nang simulan ng mga Nuñez ang kanilang to ang ika-pitong taon ng Christmas light display mula sa simpleng mga parol na dala ng ina ni Nina mula sa Pilipinas.
At nang pumanaw ang ina ni Nina noong 2021, nagdesisyon ito na ipagpatuloy ang kanilang Christmas light display at ang kanilang pagsuporta sa ilang mga paboritong charity organisation ni Nina.
"Very personal talaga para sa amin, lalo na sa akin. Kahit yung husband ko, although super love din naman niya ang Christmas pero not to this extent, pero no choice siya kasi gusto ko talaga itong ginagawa ko."
"We started in 2017 when we first moved in. Noong unang mga 4-5 lights lang. Every year we keep adding to it, trying to beat last year’s. I just didn't expect the turnout this year will be really really good," anang maybahay na si Nina.
Kasabay ng kanilang Christmas light display, taon-taon ding nagbibigay ng donasyon si Nina sa kanyang mga paboritong charity organisation.
"In the past years, lagi akong nagdo-donate sa mga popular charity like Cancer Council, Suicide Prevention, RSPCA."
"This year, nakipag-team up ako sa Aspect o iyong Autism Spectrum Australia."
"Noong narinig ko 'yung sa Aspect, kasi autism, sabi ko parang kakaiba ito so sabi ko first time gagawin ko ito sa lights display na magsusuporta ako nang organisation na hindi ko pa narinig before."
On my own little way, masaya ako na makatulong sa mga charity na kagaya ng Aspect.Nina Sheryll Nuñez
"Very thankful fin ako doon sa mga sumusuporta sa ginagawa namin at sa mga naka-appreciate nito kahit na sa simpleng paraan lang ay makakatulong kami sa suporta din ng mga bumisita sa aming Christmas light display," masayang pahayag ni Nina.
Bukod sa kanilang buong pamilya, bahagi rin ng kanilang mga ginagawa ang mga alagang aso ng mga Nuñez.
"Every Christmas lumalabas din ang mga alaga namin pero upon request iyon. Kung gusto ng mga tao na magpa-picture kasama ng mga pets, inilalabas ko sila."
The Nuñez's pets - from just Nookie and Jookie who gave birth to Wookie and Zookie - are part of the Christmas festivities. Credit: Nina Nuñez
"Ngayon apat na sila kasi nanganak sila. Andyan na rin sina Wookie and Zookie."
Sikat sa social media ang mga alagang aso ng mga Nuñez na may mahigit 28,000 followers sa Instagram.
Pagpapasalamat
19-anyos lamang si Nina Sheryll nang lumipat ito sa Australia mula Pilipinas. At sa mahigit dalawang dekada nito sa Australia, marami itong ipinagpapasalamat.
Una na rito ang masaya at buong pamilya niya.
"I had been super blessed at para sa akin, ang panahon ng Pasko ay para sa lahat.
"Kaya kahit wala na akong mga maliliit na anak, naisip ko itong Pasko is something small that I can give back to the community."
Every Christmas, it has become a yearly tradition for Nina and her family to give gifts to all their families, friends, workmates, neighbours and even to people they have known to come to their Christmas light display over the years. Credit: Nina Nuñez (Facebook)
Para kay Nina, kahit sa mga simpleng bagay at pag-volunteer kapag kailangan ang kanyang tulong, hindi ito nagdadalawang-isip.
"Very thankful ako nitong 2024. Medyo personal sa akin, iyong mental health ko. Medyo naka-recover na ako from previous experiences.
"Thankful din ako na surrounded ako ng family and syempre ‘yung good health. Basta makita ko na masaya ang family ko, ‘yung mga pets ko at mga tao sa paligid ko, okay na ako doon."
"For 2025, I look forward to a bigger Christmas display. Nakikita ko lang sa ngayon iyong paano ako makakatulong sa iba at in my own way sa pagtulong sa mga charity at mga personal donations ko sa mga favorite charities.