Key Points
- Ang Pasko sa Pilipinas ay itinuturing na isa sa pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa buong mundo.
- Para sa mga migranteng Pilipino na nasa Australia, wala pa ring katulad ang selebrasyon ng Paskong Pinoy kasama ang buong pamilya.
- Mga handang bibingka, puto bumbong, at iba't ibang handang pagkain ang madalas na miss ng marami sa Pasko sa Pilipinas.
LISTEN TO THE PODCAST
Mga salu-salo, pagkain at pamilya: Ilan sa mga nami-miss ng mga Pilipino sa Pasko sa Pilipinas
07:38
Kaya naman para sa dating accountant at singer na si Adrian Tamayo, ang malalaking pagdiriwang ng Pasko ang kanyang sobrang nami-miss sa Pilipinas.
Adrian Tamayo is celebrating Christmas with friends and churchmates as he lives alone in Australia from family. Credit: SBS Filipino
Ramdam ni Adrian ang pangungulila ngayong Pasko dahil mag-isa lamang ito naninirahan dito sa Australia malayo sa kanyang pamilya. Kaiba rin ang taong ito dahil pumanaw na ang kanyang mahal na ina.
Sa kabila nito pasalamat siya sa mga kaibigan at mga kasamahan sa simbahan na siya niyang kapiling ngayong Pasko.
Bella Ozisera misses Noche Buena with all family members wide awake and sharing the meal as the clock strikes midnight. Credit: Bella Ozisera (Facebook)
"Mayroong fried chicken, may buko salad, spaghetti. Solve na solve na talaga ako doon."
Para sa ama, nurse at property mortgage broker na si Ronald Gatbonton, ang pinaka-nami-miss niya sa Pasko sa Pilipinas ay "ang mga batang nagka-karoling gabi-gabi."
"Ito iyong alam ko na spirit ng Christmas noong bata ako habang lumalaki ako lalo na kapag patak ng -ber months."
Sa mga pagkain kapag Pasko naman "bibingka na may itlog na maalat" ang paborito ni Ronald.
Ronald Gatbonton with his small family on Christmas 2023 in Sydney. Credit: Ronald Gatbonton (Facebook)
Bagaman kasama niya ang mga anak na naninirahan sa Sydney, wala pa ring katulad ang makasama ang buong pamilya at mga kamag-anak para pagsaluhan ang mga handa kapag Pasko.
Mary Venus (right) with her children Credit: SBS Filipino
"Paborito ko ang ang Bicol express, puto't dinuguan at ginataang native na manok."