Paano mapanatiling buhay ang pamanang kultura at sariling wika sa mga batang lumaki sa Australia

Relaxed parenting

Family at home Source: Getty Images

Maganda ang naidudulot ng bilingual education. Subalit sa mga karanasan ng marami, lumabas na dapat angkop ito sa pangangailangan ng bata sa gayun maalagaan ang katangitanging kultura.


Highlights
  • Ang pag-aaral ng sariling wika ay paraan para maipasa ito sa susunod na mga henerasyon.
  • Ang mga batang lumaki na expose sa maraming lingwahe at kultura ay makakatulong para lumaki silang mas pinapahalagahan ang sarili at pagkakakilanlan.
  • Ayon sa mga eksperto dapat ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay angkop sa kanilang pangangailangan at gawin ito ng mas mahinahon at positibo
Pakinggan ang audio:
LISTEN TO
Helping your child maintain heritage language and culture while growing up in Australia image

Helping your child maintain heritage language and culture while growing up in Australia

SBS Filipino

08:43
Higit  20% ng mga Australians ay gumagamit ng kanilang sariling lingwahe sa loob ng kanilang bahay  maliban sa wikang Ingles, ito ang lumabas sa datos ng Census.


 

 

Subalit aminado ang mga magulang hindi madali ang patuturo sa mga batang dito na lumaki sa bansa, pero malaking kaginhawaan din umano kapag natutunan nila ang lingwahe ng kanilang pinagmulan.

Bagay na sinang-ayunan ni  John Hajek na Linguist Professor sa  Melbourne University.

“Sa mahabang panahon na aming pinag-aralan ang mga bilingual na mga bata ay magaling sa NAPLAN. Higit pa dyan mas nakakaintindi sa lahat at mas may puso sila sa mga tao sa paligidkaya sa kabuuan mas nakakatulong sila sa komunidad."

Karamihan sa mga komunidad sabi ni Professor Hajek, ay nagtuturo ng kanilang sariling wika dahil nakakatulong para maipasa ang kanilang kultura sa mga mas nakababatang henerasyon.

“Dito sa Australia buhay ang pamanang kultura at wika sa mga komunidad. Depende lang sa mga magulang kung paano nila tulungan ang mga anak para matuto at mapahalagahan ito."

Ayon kay Stanley Wang, Principal ng Abbotsford Primary School, marami ng gustong makapasok sa bilingual program nila.

Ang Abbotsford kasi ang isa  sa labing dalawang government school sa Victoria, kung saan isinasagawa ang bilingual program o pagtuturo ng ibang lingwahe  maliban sa wikang English. Ang paaralan ding ito ang may hawak sa pinakamatagal ng nagsasagawa ng Chinese Bilingual program mua pa noong 1984.

“Mas dumaraming magulang ang gustong makapasok ang kanilang mga anak sa bilingual program namin kahit mga non-Chinese gusto lang nilang ma-expose sa lingwahe, ganun din ang Greek, Macedonia, Italian."

May kwento din ang second-generation Greek Australian na si Vasso Zangalis dahil isa sya sa mga batang  nakapasok ng bilingual education sa formal school  noong sinmulan ito noong taong  1980’s.

“ Nung makapasok na ako sa Greek language program sa eskwelahan, mas napamahal sa akin ang kultura namin, mas naintindihan ko sila ang mga tao sa paligid. Kaya mahalaga ang language program."

Dagdag ni Mr Wang nakikita nila na ang mga batang laki sa komunidad na maraming klase ang ginagamit na lingwahe o multicultural na komunidad  ay natutulungang mapalakas ang pagpapahalaga sa sarili pagkakakilanlan.

" Mas komportable akong magsalita ng Chinese at alam na nila ang Chinese rules alam ko na makiharap sa chinese family at hindi Chinese family,at sa mga bata para konektado din sa kultura."

Dagdag ni Professor Hajek na bahagi ng Slovenian na komunidad,  mahalaga ding maranasan ng mga batang henerasyon ang mamuhay sa kultura kanilang kinagisnan, kaya mahalaga din matutunan ang kanilang sariling wika.

“ Bilang isang linguist, importante ang wika  bahagi ito ng aking pagkatao at nais kong ibahagi ito sa mga anak ko at sa susunod na mga henerasyon.

Halimbawa ang Dutch na komunidad, pweder sa kanila hindi makapagsalita ng wika pero konektado sa kultura pero sa Greek dapat alam ang wika at kultura."

Kinikilala din ni Zangalis na malaking tulong sa kanya ang pagkakaroon ng matatag na komunidad para matutunan ang kulturang Greek, nahagi na dito ang alamin ang kanilang sariling wika.

“Para sa akin sa tingin ko kapag hindi ka makapagsalita sa wika, iba ang dating at posibleng hirap kang makikonek sa kultura mo kaya importante na alam ang sariling wika."

Dahil ina din ito ng dalawang bata,   nagpapasalamat sya dahil matatag na ang kanilang network para tumulong sa pagtuturo ng lingwahe sa mga bata.

Kaya payo nito sa mga  bagong dating sa bansa na gawin makipag-tulungan sa mga komunidad.

“ Kapag bagong dating makipag-ugnay sa komunidad at kung sa paaralan naman magtanong kung may bilingual program."

Saad nito laking tulong din sa kanyang mga anak ang mga ginagawang programa sa labas ng eskwelahan gaya ng  library-run story-time, dahil nagtutulungan silang mga magulang.

“ Nagtutulungan ang mga magulang ng mga bata, may schedule sila kung sino ang tutulong sa pagtuturo sa mga library. At may libreng konsultasyon pa  kaya masarap na makita na organise ang lahat lalo na ang mga magulang , ina."

Payo ni  Professor Hajek sa mga magulang na nagpapalaki ng mga batang  maging bilingual speakers o may alam na ibang lingwahe maliban sa English, huwag masyadong taasan ang expectation sa kanilang mga anak lalo’t mas babad sila sa wikang English .

“ HIndi kailangan tama lahat, dahil dapat nating tandaan mas babad ang bata sa wika English. Maraming pwedeng gawin , maaring gamitin ang sariling wika sa loob ng bahay at maaring makatulong din ang mga lola at lolo para maipasa ang kultura, dapat pag-usapan at ipakita ang kultura sa mga bata, tulad ng festivals."

At pahabol ni Principal Wang, makibagay at  alamin ang kakayahan ng mga bata na matuto sa lingwahe maliban sa English, at  kultura para hindi lalabas na pabigat sa kanila ang matutunan ang lingwahe at kultura  ng kanilang kinagisnan.

“ Neutral ang mga bata sa koneksyon at kultura na kanilang pinagmulan kaya sa mga magulang dahan-dahan lang ipakilala ito sa kanila. Sa mga batang dito na lumaki sa Australia, turuan sila ng sariling wika

na naaayon sa kanilang kailangan at gamitin ito sa bahay dahil sa pagdating ng panahon lalabas at matutunan nila ito bilang bahagi ng kanilang pamumuhay dito."

 

 

 


Share