Pagboboluntaryo, pagtulong sa kapwa habang nakakahanap ng katuparan para sa sarili: Ria Alcedo

National Volunteer Week

Filipino student volunteer Ria Alcedo (middle) with student volunteers Cornelius Bong (left) and Sudham Perera. Source: Supplied by Ria Alcedo

"I feel a sense of achievement whenever I volunteer, it greatly improves my self-esteem and self-confidence," ang pagbahagi ng mag-aaral at boluntaryo na si Ria Alcedo tungkol sa mga benepisyo ng boluntaryong pagtulong sa kapwa.


Si Ria Alcedo ay mahigit tatlong taon nang boluntaryo  bilang bahagi ng Catholic Asian Students Society para sa isang hostel ng mga walang tahanan at tunay na masaya sa pakiramdam ang kanyang nadarama kapag siya ay nakakatulong kahit na sa kanyang simpleng maliit na paraan. Siya din ay nagboluntaryo na sa kaganapan na pinangasiwaan ng Cancer Council.

Hinihikayat niya ang mga estudyante tulad niya na magboluntaryo dahil para sa kanya, hindi lamang nito pinapabuti ang iyong resume at nagbibigay ng mas mahusay na pagkakataon sa paghahanap ng trabaho at pakikipag-ugnayan; ang pagiging boluntaryo ay nagbibigay din ng masasayang karanasan at natututo ng mga kasanayan sa buhay na hindi makukuha sa loob ng iyong silid sa pag-aaral ng buong araw.

Share