Ngayong linggong ito, 21–27 ng Mayo 2018, ipagdiriwang ng Australya ang National Volunteer Week upang kilalanin ang bukas-palad na kontribusyon ng mga boluntaryo sa buong bansa. Libo-libong kaganapan ang isasagawa sa buong bansa upang magpasalamat sa anim na milyong Australyano na ibinabahagi ang kanilang mga oras sa pagtulong.
Sinisigurado ni Richard Libunao, pangulo ng UTS-Catholic Asian Students Society, na maayos niyang nailalagay sa kanyang kalendaryo ang lahat ng kanyang gawaing personal at para sa pag-aaral upang magkaroon siya ng oras na magboluntaryo isang beses sa isang linggo kung makakaya ng kanyang abalang oras.
Ang tema ng National Volunteer Week ngayong taon ay "Give a little. Change a lot.", at sinabi ni Richard Libunao na ang maging bahagi ng isang bagay na sa tingin niya ay nakakapag-ambag sa isang bagay na higit sa kanyang sarili, ito ay isang bagay na maaaring maipagmalaki at bumubuo s'yo bilang isang tao.
Richard Libunao (front, far right) together with other student volunteers from other universities in Sydney (Supplied by Richard Libunao) Source: Supplied by Richard Libunao