'I feel very much Filipino': TikToker Hannah Balanay planong mag-release ng kanta sa wikang English at Bisaya

Hannah Balanay.jpg

TikTok dancing star Hannah Balanay ay tubong Cebu at ngayon ay naninirahan na sa Perth, Western Australia. Credit: Hannah Balanay Facebook

Inamin ng TikTok dancing star nang unang makatungtong sa Australia nahirapan siyang maka-intindi sa mga kumakausap sa kanya lalo na sa mga guro sa eswelahan. Subalit makalipas ang pitong taon sanay na ito sa Australian accent, habang patuloy na ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino.


Key Points
  • Mula pagkabata ay mahilig sumayaw, orihinal na taga-Cebu, lumipat si Hannah Balanay, na 23 taong gulang, sa Perth, Western Australia noong 2017.
  • Pinakasikat na Tiktoker sa Australia taong 2021 at pangatlo sa pinaka-maimpluwensyang content creator sa bansa taong 2022, mayroon na siyang milyun-milyong likes at followers sa Tiktok App.
  • Plano ni Hannah na maglabas ng sariling P-Pop music at ang grupong BINI ang kanyang inspirasyon.

Share