KEY POINTS
- Unang napansin si Erica dahil sa kanyang makapangyarihang vocal covers at natural na karisma sa harap ng kamera. Ngunit sa likod ng kanyang content ay isang artistang self-taught at self-driven. Siya ay may 1.3 milyong followers sa TikTok at 172,000 sa Instagram.
- Ang pinakabagong kanta ni Erica na “Not Over” ang nagmarka ng kanyang opisyal na pagpasok sa music scene bilang isang independent artist. Sa paglipas ng mga taon, nag-evolve ang kanyang brand mula sa pagkanta ng cover songs, hanggang sa pagiging content creator at pakikipag-collaborate sa malalaking brand. Ngayon, nakatuon na siya sa pagbuo ng pangalan bilang isang recording artist.
- Ayon kay Erica, maaaring maging full-time job ang content creation, kung saan kumikita siya mula sa ad revenue sa YouTube at Instagram, pati na rin sa brand deals at livestreams sa TikTok. Kumikita rin siya mula sa kanyang musika sa pamamagitan ng streaming platforms at royalties na pinangangasiwaan ng APRA AMCOS sa Australia.
LISTEN TO THE PODCAST

'You’ve always got to improve': Erica Padilla on growing her work in music and content creation
SBS Filipino
30:40
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit or stream on , , , and