Pinay gaganap bilang Gary Coleman sa hit musical comedy na Avenue Q

Stephanie Lacerna

Filipina Stephanie Lacerna stars as Gary Coleman in the Broadway smash hit Avenue Q showing in Melbourne Credit: Supplied

Gaganap ang 27 anyos na Pinay na si Stephanie Lacerna bilang Gary Coleman sa Broadway show na Avenue Q. Siya ang nagiisang Pilipino na bibida sa nasabing palabas.


KEY POINTS
  • Ang Avenue Q ay kilala sa katatawanan at politically incorrect na mga tema. Tinatalakay sa palabas ang mga isyu tulad ng racism, kawalan ng trabaho, pag-ibig, at sekswalidad. Ang palabas ay nakatakdang ipapalabas sa National theatre ng St Kilda mula Pebrero 22 hanggang Marso 8.
  • Bagama’t lumaki sa Australia, ngging malaking impluwensiya sa kanyng pagpasok sa sining ang Filipino pop icon na si Sarah Geronimo at Broadway legend Lea Salonga.
  • Natuklasan ni Stephanie Lacerna ang kanyang hilig sa pagganap nang maramdaman niyang may kulang sa kanyang buhay. Di nagtagal ay iniwan niya ang kanyang trabaho at nag-aral ng maikling kurso sa dramatic arts dahilan upang mapunta sa kanya ang papel na Gary Coleman sa Avenue Q. Bilang nag-iisang Filipino performer sa palabas, ipinagmamalaki niya ang kanyang lahi sa entablado.
I’m proud of myself because there has been very little Asian representation in musical theatre, especially when I was growing up. That lack of visibility was one of the biggest barriers that kept me from exploring this path. I didn’t think there was a place for me in this world. But now, I get to be part of this, and I’m very thankful.
Stephanie Lacerna
PAKINGGAN ANG PODCAST
AVENUE Q STEPH LACERNA  image

Pinay gaganap bilang Gary Coleman sa hit musical comedy na Avenue Q

SBS Filipino

22/02/202526:04

Share