Key Points
- Ilan sa mga workplace culture shock ng mga Pinoy sa Australia ang hindi pagtawag ng Ma’am at Sir, mga small talk at ang hindi pagiging expressive at assertive ng mga Pilipino.
- May mga paraan na pwedeng maging assertive nang hindi nagiging agresibo sa trabaho halimbawang hihiling ng promosyon o umento sa sweldo ayon sa isang career consultant.
- Dagdag ng career consultant na si Dr. Celia Torres Villanueva na malaki ang matutulong kung may magiging mentor sa karera, mapa-Pilipino man o ibang lahi.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
PAKINGGAN ANG PODCAST:

‘Karaniwang mahiyain ang mga Pinoy:’ Career coach, iginiit ang kahalagahan ng pagiging assertive sa trabaho
SBS Filipino
18/01/202412:39
Sa panayam ng SBS Filipino kay Dr. Celia Torres-Villanueva na Founder ng Career Transformation Ventures, tinalakay kung bakit likas sa mga Pilipino ang pagiging mahiyain at magalang sa trabaho. Iginiit din niyang maaring baguhin ang pananaw na ito sa mga nagtatrabaho sa Australia at inilatag ang ilang paraan para maging assertive sa workplace.

SBS Filipino interviews Career Consultant Dr. Celia Torres-Villanueva