Kilalang singer binahagi ang buhay bilang 'breadwinner' ng kanyang pamilya

Mary Ann Van Der Horst

Mary Ann Van Der Horst on SBS Filipino Credit: Supplied

Kung nakatira ka sa Melbourne, malamang lagi mong nakikita si Mary Ann Van Der Horst na kumakanta sa mga kaganapan sa komunidad. Ngunit higit sa kanyang talento, siya din ay breadwinner ng kanyang pamilya.


KEY POINTS
  • Binahagi ni Mary Ann Vander Horst na nagsimula siyang magtrabaho bilang singer edad na anim na taong gulang upang pinansyal na masuportahan ang kanyang pamilya. Masaya siya na natutulungan niya ang kanyang pamilya.
  • Maraming trabaho o diskarte si Mary Ann bilang breadwinner tulad ng pagkanta, pagiging busker, modelo, pagtrabaho sa nursing home at pagtulong sa mga batang may special needs, pagiging isang teacher's assistant, pagturo ng musika at pagiging social media influencer.
  • Nakilala si Mary Ann nang siya ay sumali sa X Factor Australia taong 2014 at nagustuhan ng mga hurado sa magandang bersyon niya ng awit na Halo ni Beyonce.
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipino na gumagawa ng sariling marka sa musika at sining.

PAKINGGAN ANG PODCAST
TK MARY ANN image

Kilalang singer binahagi ang buhay bilang 'breadwinner' ng kanyang pamilya

SBS Filipino

07/12/202431:54

Share