Abangan ang 'May PERAan' tuwing Martes. Ito ang podcast series kung saan sasagutin ng ating mga finance experts ang inyong mga tanong na may kinalaman sa pera.
Naging kontrobersyal ang desisyon ng pamahalaan ng Victoria na pansamantalang ihinto ang non-elective surgeries kabilang ang IVF.
Pero maraming mamamayan ang umalma at nakiusap na baguhin ang desisyon dahil sa malaking impact ng tatlong buwang pagka-antala sa mga kababaihan na sumasailalim sa procedure.
Kaagad naman humihingi ng paumanhin ang Premier ng Victoria at binaliktad ang desisyon para mareinstate ang treatment.
Magkano ang dapat pag-ipunan kung plano mong subukan ang In vitro Fertilisation o IVF? Ibinahagi ni Dr. Angelica Logarta-Scott ang breakdown ng mga pangunahing gastusin para sa procedure na ito.
Kung may nais kayong itanong kaugnay sa pag-iipon, mortgage, insurance, negosyo at iba pa, mag-email sa o mag-message sa aming Facebook page.
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa artikulong ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa mga eksperto sa usaping legal, pampinansyal, at pagbabayad ng tax.