Key Points
- Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, 81.65 percent ng mga registered voters ang bumoto mula sa 68.6 million na mga rehistradong botante.
- Posibleng sa ika-16 ng Mayo, ang proklamasyon ng labindalawang nanalo sa eleksyon sa pagka-senador at sa lunes naman ang posibleng proklamasyon ng nanalong party list groups.
- Sinabi ni Senate President Francis Escudero na sa pagbabalik sesyon ng Senado sa June 2, posible na itong mag-convene bilang Impeachment Court, o kaya naman, sa June 3.
LISTEN TO

Makasaysayang bilang ng botante sa 2025 mid-term elections
SBS Filipino
08:32
Dumating sa Pilipinas ang mga delegado ng Philippine-Australia Sports and Culture o PASC.
Malugod silang tinanggap sa bansa ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu
Pangunahin sa mga layunin ng mga delegado ay ang pagsuporta sa mga local charities na tumutulong sa mga komunidad.
Kabilang sa kanilang dadaluhan ay ang kumpetisyon na Miss and Little Miss Philippines-Australia na kakalap ng pondo para sa mga community events at projects.
Ang Miss and Little Miss Philippines-Australia ay sinusuportahan ng Fil-Aussie community sa Sydney.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on and and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.