Key Points
- Isang international student si Keilor Ganuhay sa Brisbane na kumukuha ng kursong Certificate III in Carpentry.
- Isa na siyang apprentice ngayon at planong pagpatuloy ang pag-aaral at karera sa sektor na ito.
- Malaking sahod ang isa sa naging inspirasyon niya nang piliin ang kurso at trabaho pero nais niya din ng pisikal na aktibidad.
- Sa kasalukuyang datos ng Jobs and Skills Australia, kulang kulang 150,000 ang carpenters at joiners sa Australia.
Paunawa: Ang mga paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa kinauukulan at lisensyadong employment o migration expert sa Australia.