Maaaring nagawa ng may-ari ng Rey's Place sa Darlinghurst ang tamang pormula sa pagpapakita ng maagang tagumpay sa kanyang restawran unang dalawang buwan pa lamang pagbukas nito. Subalit ang chef na si Shaun Oligo, na hindi lamang talaga nasa likod ng kusina, kundi nasa likod ng lasa at karakter ng bagong restawran.
Chef Shaun Oligo (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Inilalagay niya ang lahat sa restawran na natuklasan niya sa paglulutong bahay nang siya ay lumalaki pa sa kanyang pinaglakihang Cabanatuan maraming taon na ang nakalipas na pinalasa pa ng bagong kaalaman at pamamaraan mula sa pag-aaral at pagtatrabaho ng pagluluto sa Australya.
Tinalakay niya ang kanyang bagong proyekto.
Chef Shaun Oligo prepping before he start cooking (SBS Filipino) Source: SBS Filipino