Key Points
- Bilang ikalimang pinakamalaking komunidad ng migrante sa Australia, na may mahigit 310,000 residenteng ipinanganak na Pilipino na naninirahan sa bansa ayon sa 2021 Census, ang Filipino ay kabilang sa pinakakaraniwang wikang sinasalita sa buong Australia.
- Para sa mga nakababatang henerasyon ng mga Filipino Australian, ang pag-aaral ng Filipino ay nagbibigay ng mas malalim na koneksyon sa kultura, kasaysayan, at komunidad ng Filipino.
- Isang grupo ng mga magulang na Pinoy sa Central Coast, kasama ang Filipino Class sa Gosford, ay lumikha ng mga masasayang aktibidad upang panatilihing interesado ang kanilang mga anak sa pag-aaral ng wika at kulturang Filipino.
LISTEN TO THE PODCAST
Fun activities, music and arts: How these Aussie kids in Central Coast learn Filipino language and culture
31:06
Pinapatakbo ng mga boluntaryo at sinusuportahan ng New South Wales Department of Education, ang Filipino Class tuwing Sabado kapag may pasok ang mga bata sa eskwelahan ay pinamumunuan ni Vavette Castro, isang dating guro sa Pilipinas na ang hilig ay magturo ng kanyang sariling wika sa mga bata sa Central Coast.
Students and members of the community enjoyed a Filipino Story Time held at the Erina Library on the Central Coast in celebration of Filipino Language Month. Credit: Filipino Class (Facebook)