Mga Pilipino sa Australia nagbunyi sa mga naiuwing karangalan ng mga atletang Pinoy sa Tokyo Olympics

Filipino medalists in the Tokyo Olympic Games

Source: Getty Images

Bumuhos ang saya at suporta ng mga Pilipino sa Australia na tumutok sa laban ng mga Pilipinong atleta sa Tokyo Olympics.


Bata pa lang si Mark Anthony Santos ay sinusundan na niya ang Olympics. Kaya hanggang dito sa Australia, hindi nagpahuli at tumutok sa opening ceremony ng Tokyo Olympics ang buong pamilya ni Mark sa Adelaide.

Nakasuot pa ng Australian team t-shirt nang pumarada ang mga atletang Australyano pero nag-palit ito ng Philippine flag shirts nang bumida naman ang mga atletang Pinoy.

"It’s a good feeling knowing both Australia and the Philippines made history. Winning gold medal, it's a historic win for the Philippines. With the Philippines winning four medals, it is really amazing."

Ilang Olympic memorabilia gaya ng coins and notes din ang koleksyon ni Mark. Bagaman malungkot na hindi nakapanood ng personal dahil sa pandemya, nakaantabay na siya sa Olympics na gaganapin dito sa Brisbane, Australia.

Pinoy pride

Family bonding din ang panonood ng laban ng mga atletang Pinoy ang pamilya ni Lhanie Francia sa Melbourne. Dahil sa lockdown, nagkaroon ng oras para makapanood ng mga laban gaya ng boxing, skating, at gymnastics. At laking tuwa niya nang manalo ng ginto ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.

"Sobrang happy kasi first gold natin yun, nakakaiyak talaga. Actually may post ako sa facebook ko na parang nag- aawarding na sila. Habang niri-raise yung Philippine flag, talagang nakakaiyak kasi first time in our history. Kahit na hindi ganoon ka-popular yung sports sa Pilipinas at hindi ganun kalaki yung support ng government natin sa sports at mga atleta, nanalo pa rin.  

Dagdag pa ni Lhanie, malaking bagay dahil isang babae ang unang nakasungkit ng gintong medalya para sa Pilipinas.

Yan din ang naramdaman ni Liz Quimora na napalundag pa sa saya dahil hindi lang ang barbel ang nabuhat ni Hidilyn, kundi ang taumbayan din. Ang tagumpay nito ay nagdala ng karangalan sa buong Pilipinas.

Bagaman 30 taon na sa Australya, pusong Pinoy pa din ang nangingibaw sa kanya.

"Talagang nagpuyat ako para mapanood siya. First gold sa Olympic tapos Pinay siya diba nakaka-proud yun?
Here in Australia, well-supported ang mga atleta, so nakita mo naman humahakot talaga ng gold medals. Tapos tayo hindi natin sinusuportahan ng husto, still nagkamedal tayo. Ito yung time na nakaka-proud maging Filipino.
Napaluha din sa winning moment ni Hidilyn ang international student na si Kernan Alipis. Passion ni Kernan ang weightlifting at anim na taon siyang nagbu-buhat kaya alam niya ang hirap at pagod ng training.

"Isipin mo ah, si Hidilyn, never niya na-lift yung 127 kg sa training at dun niya lang binuhat sa may third lift sa Olympics. As in sobrang proud na nakakaiyak."

Lalong naging inspirado si Kernan na plano nang magshift ng course mula sa cookery sa sports & physical fitness para ipagpatuloy ang weightlifting at maging coach.

Suporta para sa Team Australia at Team Philippines

Hindi din pinalampas ni Alfy Ancayan ang 'Proud Pinoy' moment sa Olympics. Kahit dito pinanganak at lumaki sa Australia at hindi na nakakasalita ng Tagalog, nakatutok at suot pa ang jacket na may Philippine flag para ipakita ang suporta.

"I'm Australian born but the end of the day, my blood is Filipino. It's just one of the things that you can root for two teams. It gives you options."

Matindi ang passion sa sports ni alfy kaya malaking bagay ang olympics sa kanya at emosyonal din siya nang mapanood ang pagkapanalo ng medalya  ng mga atletang pinoy.

Isang magandang pagbubunyi sa gitna ng pandemya ang binigay na karangalan ng mga atletang Pinoy pero giit ni Mark, hindi dito dapat natatapos ang suporta.

"Filipinos, they  only support our athletes when they achieved something. Why don't we support them beforehand. So we can boost their morale as well as the performance.

Like yung ginagawa natin dito sa Australia. Companies should  sell memorabilia, same here in Australia so people can buy and support and the profit can generate can support our athletes rather just begging for help."

Sa pagtutulungan ng gobyerno, private sector at ng mismong mamamayan, walang labang hindi mapagtatagumpayan ang mga Pilipino!

BASAHIN DIN



Share