Mga unibersidad, umalma sa panukalang limitahan ang bilang ng mga international student sa Australia

University attendance figures

File photo of university graduates Credit: Chris Radburn/PA / AAP

Nagbabala ang ilang grupo na mawawala ang libo libong trabaho at mahihirapan ang mga university research sakaling ipatupad ang limitasyon sa bilang ng mga international student sa Australia.


Key Points
  • Nauna nang inanunsyo noong Mayo ni Education Minister Jason Clare ang draft ng panukalang batas kung magbibigay sa kanya ng kapangyarihan na itakda ang bilang ng mga bagong international student enrolment sa mga kurso at provider.
  • Ayon sa Group of Eight kung saan kabilang ang mga nangungunang unibersidad sa Australia, pahihinain ng limitasyon na ito ang malakas at matagumpay na education export industry ng bansa.
  • Iginiit ng mga unibersidad na malaki na ang epekto ng mataas na student visa refusals rates dahil na din sa Ministerial Direction 107, lalo na anila sa regional Australia.

Share