Key Points
- 2016 nang dumating sa Melbourne bilang international student ang Communications Professional na si Cristina Magbojos at nag-aral ng Master of Accounting
- Lumipat Darwin si Cristina at pamilya nito at naipit sa border shutdown kaya nanatili ito sa NT hanggang sa nagtuloy-tuloy na makakuha ito ng Permanent Residency.
- Ayon sa datos ng Australian Bureau of Statistics noong 2021, aabot sa 7,000 ang mga Pinoy sa Northern Territory at patuloy na dumadami.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ni Cristina Magbojos na hindi naging madali ang simula nang pamumuhay niya sa Australia bilang international student lalo at iniwan nito ang pamilya lalo at bata pa lamang ang kanyang anak.
“It was really difficult. Bilang nanay mahirap na iwan ang anak. Tapos bagong bansa at maraming adjustment gaya ng school system."
Para akong nabigla, may time na na-homesick at na-depress ako buti na lang may support system. Nag-volunteer din ako kaya nakatulong.Cristina Magbojos
Nakaranas din si Cristina ng mga trabahong hindi niya akalain na magagawa niya.
"There was a time na naging cleaner ako at natoka ako sa toilet and there are things that you cannot unsee. Parang naisip ko na kapag nalaman ng Mommy ko baka pauwiin ako. Iniisip ko naman na it’s a decent job and it pays the bills at experience din."
Cristina Magbojos started her journey in Melbourne as an international student, then moved to Darwin and is now a permanent resident in Australia. Credit: SBS Filipino
Bago ng PR, kinuha ni Cristina ang Subclass 485 Temporary Graduate Visa matapos ang kanyang pag-aaral ng master's degree para makapanatili pa ng dalawang taon sa Australia habang ang asawa niya ay naghain naman noon ng Pandemic Visa.
Sa tulong kanyang registered migration agent, gamit ang General Accountant na trabaho, isinumite niya ang Subclass 190 Skilled Nominated Visa na nagbigay sa kaniya at pamilya ng Permanent Residency.
Cristina Magbojos and her family. Credit: Supplied
Payo ni Cristina sa mga Pinoy na nangangarap ding maging PR o citizen ng Australia na lakasan ang loob at huwag basta susuko.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.