Highlights
- Carer Payment, Parental Leave Pay at Dad and Partner Pay kung saan mula dalawang taon, magiging apat na taon ang waiting period.
- Ang Carer Allowance at Family Tax Benefit Part A na sanay may waiting period na isang taon, magiging apat na taon na ito. At ang bagong Family Tax Benefit Part B kasama din sa waiting period na apat na taon.
- Migrants na dumating sa bansa bago ang taong 2019 ang waiting period sa JobKeeper o Austudy payment ay depende sa sitwasyon
Isang malaking kaginhawaan ang mapunta dito sa Australia lalo na silang mga Australian citizens, permanent resident visa holders, ang ilang New Zealand citizens at temporary partner visa holders, dahil makakakuha sila ng tinatawag na social security payments sa panahon na nahihirapan o may pinansyal na pangangailangan.
Pero ayon sa Department of Social Services sa bagong batas ngayon, ang mga bagong dating na migrants dito sa bansa ay kailangang suportahan ang kanilang sarili pagdating dito sa Australia.
Ano ang "Newly Arrived Migrant Waiting Period"
Simula 1 Enero 2022, ang mga bagong permanent resident visa holders ay kailangan pa ng waiting period na apat na taon, mula sa petsa na ipinagkaloob ang kanilang permanent residency visa, bago maka-access ng tulong o government payments.
Itong palisiyang ito ang binantayan ni Dr Astrid Perry bilang isang Manager of Strategic Policy with Settlement Services International, dahil segurado umanong maka-apekto ito sa mga bagong dating na migrants.
“Kapag refugee, makakkakuha ka agad ng income support gaya ng mga Australian, kapag walang trabaho o may sakit, matatanda o sa pag-aaral, pero kapag ibang visa kahit PR maghintay ka nga 4 na taon, ito ay tinatawag na Newly Arrived Migrant Waiting Period," kwento ni Dr. Perry.
Sakop ng four-year waiting period bago makabenepisyo ay ang JobSeeker, Parenting Payment pati ang concession cards, pero may mga exempted naman sa palisiya.

Source: WILLIAM WEST/AFP via Getty Images
“Kung may bagong silang na anak, kahit 4 years pa ang waiting period, after 2 years ng waiting period pwede ka ng mag-apply sa Parental Leave payment," dagdag ng doktor.
Kapag naipasa ang bagong social security legislation na ito na tinatawag na Newly Arrived Residents Waiting Period ay ipapatupad agad simula 1 Enero 2022.
Apektado nito ang Carer Payment, Parental Leave Pay at Dad and Partner Pay kung saan mula dalawang taon, magiging apat na taon ang waiting period.
Para naman sa Carer Allowance at Family Tax Benefit Part A na sanay may waiting period na isang taon, magiging apat na taon na ito. At ang bagong Family Tax Benefit Part B kasama din sa waiting period na apat na taon.
Dagdag ni Dr Perry, silang dumating sa bansa bago ang taong 2019 ang waiting period sa JobKeeper o Austudy payment ay depende sa sitwasyon.
“Depende kung kailan ipinagkaloob ang visa mo. So ang four years ay simula 1 January 2019, pero bago ang petsa na yan two-year waiting period."
Hindi lahat ay aprobado ang pag-extend ng waiting period ng mga benepisyo para sa mga bagong permanent residents. Ilan sa nagkwestyon sa bagong palisiyang ito ay ang Settlement Services International at ang Australian Council of Social Services.Dahil naniniwala sila na parang ipinagkaila ang income support para sa mga bagong permanent residents.
Dahilan ng pagsalungat sa pinahabang waiting period
Hindi rin pabor ang isang CPA na si Akram El-Fahkri, dahil marami sa kanyang kasama sa trabaho ay mga bagong permanent residents.
“Kung ang migrant ay nakapasok sa bansa dahil talagang qualified at financially naghihirap, dapat i-consider ng Services Australia at tulungan ito," sabi ni El Fahkri.
Magandang balita naman para sa mga pumasok sa Australia sa pamamagitan ng humanitarian visas, dahil hindi sila kasali sa four-year waiting period bago ma-access ang mga benepisyo. Sabi pa ni Dr. Perry, ang exemption ay ina-assess in a case-to-case basis.
“Kung may mga nangyari gaya ng naaksidente, ang sponsor ay nahirap at hindi na makasupport o kaya biktima ng domestic violence so talagang mabago at pwede na ma-access ang payments."
Ibang benepisyo sa Centrelink
Kapag nawalan naman ng trabaho o income ngayong panahon ng pandemya sabi ni Akram El-Fahkri may masasandalan na disaster payments. May mga tulong din mula sa gobyerno, kung hindi eligible para sa Covid Disaster payments. Kaya importante na alamin kung eligible sa mga tulong ng gobyerno, kahit pa napasama visa sa four- year waiting period.
“Dapat magtanong o mag-usisa sa Centrelink at Services Australia, kasi maraming tulong o benepisyo ang pwedeng matanggap."
Dagdag abiso ng mga eksperto, kapag nakakatanggap na ng social security payments at may mga pagbabago sa kasalukuyang estado ng trabaho o income dapat ipa-alam sa Centrelink.

Closed due to coronavirus: Getty Images/LeoPatrizi Source: Getty Images/LeoPatrizi
“kapag may nabago sa income na iba sa dineklara mo bago ang disaster payment dapat, ipaalam mo sa Centrelink."
Dahil kapag bigo ang isang tao sa pagdeklara ng mga pagbabago sa kanyang income o trabaho, habang tumatanggap ng tulong pinansyal sa gobyerno, may seryosong itong kahihinatnan.
“Pinaka-worst na mangyari ay ibalik mo ang pera na natanggap mula sa Centrelink at dapat sa loob lang ng 28 days."
Gusto ding ipaabot ng mga eksperto na kapag qualified ka sa criteria at tapos na ang four-year waiting period, pwede ng mag apply sa Centerelink para makakuha ng social security payments. Habamg ang Centrelink na ang gagawa ng income test at mag check kung pasok ka bas a criteria para sa inaplayan na benepisyo.
Dagdag payo ni Dr Perry, makakakuha din ng impormasyon online para sa mga government payments.
“Bisitahin ang website ng - Services Australia - at hanapin o itanong ang tungkol sa Newly Arrived Residents Waiting Period, dapat talagang alamin ang bagong policy na ito.”
Available din ang government payments para sa mga temporary visa holders at asylum seekers na apektado o hirap dahil sa Covid-19.
Ang SBS Settlement Guide ay nagbibigay ng impormasyon kung paano makakakuha ng COVID-19 relief payments. Bisitahin ang Services Australia website sa servicesaustralia.gov.au