Key Points
- Sa Gat. Jose Rizal ay malawakang itinuturing na isa sa pinakadakilang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang mga nagawa at pagbubuwis ng buhay para sa bayan.
- Sa kasalukuyang panahon, maraming ordinaryong Pilipino ang itinuturing na mga modernong bayani ng Pilipinas – tulad ng mga manggagawa, mga guro, mangingisda, mga nagsisilbi sa hukbong sandatahan ng Pilipinas, mga atleta na nagbibigay karangalan sa bansa at milyon-milyong mga overseas Filipino workers.
- Maaaring maging bayani sa pagbibigay sa mga nangangailangan, pagiging mabuting mamamayan, pagtataguyod sa sariling kultura at pagsasabuhay ng mga aral mula sa itinuturing na bayani ng Pilipinas.
LISTEN TO THE PODCAST
Filipino_Paano maging isang modern day hero
13:20
Raffy Palma (right), with child actors Chloe Lofthouse and Seeyan Ricardo, played Dr Jose Rizal in the play, Parting at Calamba, staged in December 2024 in Sydney. Credit: SBS Filipino
Sa makabagong panahon ngayon, marami nang paraan para sa isang Pilipino na maipakita ang pagmamahal para sa pinagmulang baya
"The most valuable thing that we have now is our time. So, if we are willing to devote our time to help each other out, that's invaluable," diin ng solicitor mula New South Wales na si Raffy Palma.
You don't have to give up your life, but you need to provide time to be able to hear out someone or offer any sort of assistance, it doesn't have to be financial. Giving time and attention is already a big thing.Raffy Palma - Solicitor
Nananatili naman sa isip at puso ni Chi De Jesus, creative head ng Monsterminds Creative Service ang mga aral mula kay Rizal.
"The story of Rizal has to be discussed every so often kasi maraming bagay na maaaring matutunan o maintindihan tungkol sa atin bilang mga Pilipino lalo na para sa mga tao na nakaranas ng migrasyon."
Naniniwala si Chi De Jesus na "ang pag-alis mo sa sariling bansa at ang pakikisalamuha sa ibang gobyerno, ibang lahi at kultura ay nagbibigay s'yo ng pagkakaintindi, nagpapaliwanag s'yo ng sarili nating pagkatao."
"Everyone is a hero in their own minds and I think kailangan tayong umabot sa pagkakaintindi at pagpapakumbaba para mag-umpisa ang pagbabago," turan ni Chi.
The whole cast of the stage play, Parting at Calamba , with their director Chi De Jesus (far right) Credit: SBS Filipino
Naniniwala si Jinky na ang pagiging isang modern-day hero ay nagsisimula sa sarili kahit hindi malaman ng iba at ilantad sa social media.
"Ang tunay na kabayanihan ay nanggagaling sa kabutihan ng tao at ito ay mabibigyan ng gantimpala ng Maylikha."
Actors Jinky Trijo-Marsh (standing), Grazie Panlican (left) and Aubrey Abanico (right) acted as Jose Rizal's sisters and Marilyn Mendez (seated) as Rizal's mother at the 'Parting at Calamba' stage play in December 2024. Credit: SBS Filipino
"Hindi dahilan na wala ka na sa Pilipinas para maramdaman mo na isa ka pa ring Pilipino. Ito ang dahilan kaya patuloy pa rin tayong nagiging involved sa mga Filipino events para ma-promote 'yung kultura natin lalo na 'yung ating mga kaugalian na nakapokus sa ating mga pamilya," pahayag ni Grazie.
Para naman sa mga batang sina Chloe Lofthouse at Seeyan Ricardo na parehong ipinanganak sa Sydney, sa kanilang munting kakayanan ay mayroon din silang pwedeng magawa para sa kanilang mga kapwa.
"We can raise money for all the [needy] people in the Philippines and really help them," ani Chloe.
"I could help other people. I could donate things that I no longer need to charity," ayon sa 10-anyos na si Seeyan.