Pamilya at pagkakaibigan: Pundasyon ng magandang samahan at musika ng bandang Alley One

Music has banded members of Alley One.jpg

From their love of music, Alley One has formed a lasting friendship that has banded them further to continue performing together. Credit: Alley One (Facebook)

"Friendship and family ang naging pundasyon ng banda kaya para sa amin ngayon, 'yung concept ng come-and-go is out na sa amin. We are here for the long-term kasi nga magkakaibigan kami outside of our gigs."


Key Points
  • Pinagtagpo at pinag-isa ng musika, hatid ng bandang Alley One ang mga natatanging paboritong OPM music.
  • Mula sa pagiging banda, nagkaroon ng mas malawak na dahilan ang grupo nila Jerson Cruz kasama ng Alley One at kanilang production team na Aliwan Productions.
  • Hindi natitigil ang ugnayan ng Alley One sa musika, dahil sa labas ng pagtatanghal, pamilya ang turing nila sa isa't isa.
Mula nang mabuo ang bandang Alley One, ilang myembro ang sumali at umalis din para ipagpatuloy ang sarili nilang buhay sa labas ng banda, pero ngayon dahil sa pamilya na ang turing sa isa't isa, mananatili na sila para magpasaya sa pamamagitan ng musika.

Kilalanin ang Alley One kasama sina Jerson Cruz (guitar), Anja Urquico at Drex Barreto (vocals), Jomari Nicolas (keyboard), Paul Colet (drums), at Jamie Uy (bass).

Share